Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di nagwakas ang ating mga pangarap

HINDI  natin alam ang resulta ng huling laro ng Pilipinas kontra Senegal kagabi dahil sa mas maagang isinulat ang pitak na ito kaysa sa duwelong iyon.

Pero kahit na ano pa ang nangyari sa larong iyon, proud pa rin ako sa performance ng ating mga manlalaro.

E, kung sakaling nanalo tayo kagabi, aba’y mas masaya tayong lahat kahit pa hindi tayo nakapasok sa susunod na round.

Pero sa ngayon, hndi naman ako nalulungkot na nalaglag tayo.

Okay lang yun.

Ang mahalaga ay naipakita natin sa buong mundo na kaya nating lumaban sa mahuhusay.  Biruin mong tatlong dekada bago tayo nakabalik sa World tournament. Tatlong dekada nating hinintay ang pagkakataong ito, e.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ganoong kataas ang expectations ng ahat sa RP Team.

Sa isipan nga ng iba’y matatambakan tayo ng mga kalaban dahil sa sobra ang tatangkad nila.

Pero natambakan ba tayo?

Hindi e.

Dikdikan ang naging laban hanggang sa dulo. Puwede tayong nanalo kontra sa Perto Rico noong Miyerkoles.

Heck! Puwede nga nating talunin ang Croatia sa una nating laro kung nakuha lang natin ang breaks!

Oo, na-eliminate tayo.

Pero hindi tayo napahiya.

At lalong hindi nangangahulugang nagwakas na ang ating pangarap.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …