Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dapat ipagbunyi ang Gilas

00 kurot alex

PAGKATAPOS ng ilang tune-up games ng Gilas sa ilang parte ng Europe, marami ang desmayadong Pinoy basketball fans dahil sa limang games nila  ay isa lang ang ipinanalo ng ating pambansang koponan.  Kontra iyon sa Egypt.

May narinig pa tayong komento ng isang fan na bubugbugin lang tayo ng mga bansang kalahok sa World FIBA basketball.

Pero nitong Sabado, sa naging laban ng Gilas Pilipinas kontra  Croatia, nagsisigawan, nagbubunyi at nagtsi-cheer para sa National Team ang mga local fans kahit pa nga sa telebisyon lang sila nanonood.

Sa aming lugar sa Lico St., Tondo, Manila ay mistulang piyesta ang paligid sa pagtsi-cheer sa Gilas lalo na nang  nakahabol ang Pambansang Koponan sa 15 puntos na kalamangan ng Croatia.   Lalo nang sumabog ang hiyawan nang lumamang pa ang RP 5 ng tatlong puntos ilang minuto na lang ang nalalabi sa laban.

Sa pagtunong ng final buzzer sa extra period ay nagwagi pa rin ang Croatia ng 3 puntos (81-78).

Bagama’t natalo ang ating koponan, maraming katotohanan ang nabuksan.   Unang-una nang  namulat ang mga mata ng kritiko na hindi basta-basta ang Team Gilas.   Hinding-hindi magiging bugbugin lang ang ating National Team sa pandaigdigang laro ng basketball.

Ngayon ay naririnig natin sa mga umpukan na pang-world class na ang performance ng GILAS.

oOo

Matindi nang pinag-uusapan ngayon sa lahat ng sulok ng mundo ng boksing ang ikinakasang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Paano nga bang hindi iinit ang usapan ng mga miron, eh, mga nasa top executives ng Showtime at HBO ang nag-uusap para sa laban ng dalawa.

Alam naman natin na may “say” ang SHOWTIME kay Floyd at HBO kay Pacquiao dahli nakakontrata sila sa dalawang kompanya na namamahala sa pay-per-view sa laban nila.

Paano nga ba sila makakatanggi kapag minanduhan na sila ng dalawang kompanya?

oOo

Kahit pa nga malakas na ang hugong na maikakasa ang labang Floyd at Manny, nag-aalala pa rin si trainer Freddie Roach na baka hindi matuloy ng laban ng dalawa.

Hindi man kategorikal na sinabi ni Roach, tantiyado niya ang takot ni Floyd sa Pambansang Kamao.   Alam niyang ito lang ang makakatalo sa kanya sa loob ng ring.

Ang ikinatatakot ni Roach—baka magretiro na si Mayweather pagkatapos na laban nito kay Marcos Maidana sa isang rematch.

oOo

Pero teka, paano nga ba lalaban itong si Mayweather kay Pacquiao kung hindi pa naikakasa ang laban ng dalawa ay may pasubali na si Roach.

Sa isang interview sa makasaysayang trainer, kategorikal na sinabi nito na malaki na ang inihina ni Floyd.   Tingin niya, marupok na ang tuhod nito.

Sa madaling salita, hindi na ito tatagal sa laban kontra kay Pacman.

Pag nabasa iyon ni Floyd—malamang na magdalawang isip uli ito.   Baka tuluyan na ngang magretiro ang tusong boksingero pagkatapos na laban kay Maidana.

Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …