Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Army, Cagayan magbabanggaan ngayon (Shakey’s V League Finals)

082814 Shakey’s v league

MAGSISIMULA ngayong alas-4 ng hapon ang best-of-three finals ng Shakey’s V League Season 11 Open Conference na paglalabanan ng Cagayan Valley at Philippine Army sa The Arena sa San Juan.

Parehong nagpahinga ang dalawang koponan noong isang araw at kahapon pagkatapos na walisin nila ang kani-kanilang mga kalaban sa semifinals noong Linggo.

Kompiyansa ang head coach ng Lady Rising Suns na si Nes Pamiliar na kaya ng kanyang mga manlalaro na mapanatili ang korona sa torneo.

“Malakas ang Army pero kayang talunin,” wika ni Pamiliar na inaasahang sasandal kay Aiza Maizo, Janine Marciano, Pau Soriano, Rosemarie Vargas, Wenneth Eulalio, Joy Benito at libera Shiela Pineda.

Ang Lady Troopers naman ay pangungunahan nina Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga na nagbida sa pagkampeon nila sa Philippine Super Liga noong isang buwan habang gamit nila ang pangalang Generika Drugstore.

“Gusto ko lang ulit makabalik ang Army sa hanay ng mga champions dito sa V-League,” ani Army coach Rico de Guzman. “Pipilitin namin mag-champion para sa karangalan ng Army.”

Maghaharap naman ang PLDT Home Telpad at Air Force sa Game 1 ng kanilang serye para sa ikatlong puwesto sa alas-2 ng hapon.

Mapapanood bukas simula ala-una ng hapon ang dalawang laro sa GMA News TV Channel 11.

Ang Game 2 na parehong serye ay mapapanood nang live sa parehong istasyon sa Linggo simula alas-12:45 ng tanghali.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …