IDINIPENSA ni San Miguel Beer head coach Leo Austria ang kanyang desisyong kunin si Ronald Pascual sa PBA Rookie Draft noong Linggo.
Nakuha ng Beermen ang dating hotshot ng San Sebastian Stags pagkatapos na itapon nila ang mga bangkong sina Chico Lanete at Jojo Duncil kasama ang ilang mga draft picks.
Makakasama ni Pascual ang ilang mga scorers sa SMB tulad nina Marcio Lassiter, Chris Lutz at Ronald Tubid.
Dating manlalaro ng Gilas cadet pool si Pascual bukod sa kanyang pagsabak sa NCAA at PBA D League.
“Ronald Pascual is a winner at alam natin yung ginawa niya sa San Sebastian at NLEX,” wika ni Austria. “He also has a high leaping ability. I want to define his role sa team kasi I want to establish chemistry. Some teams ang nag-pass sa kanya and in our part, marami kaming mga point guards. Ronald is a fit sa team namin.”
Samantala, hindi rin masyadong naging aktibo ang iba pang mga koponang hawak ng San Miguel Corporation sa katatapos na draft.
Isang rookie din ang nakuha ng Barangay Ginebra San Miguel sa katauhan ni Rodney Brondial habang walang rookie ang napili ng San Mig Super Coffee, kasama ang Meralco.
Imbes ay itinapon ng Coffee Mixers ang nag-iisa nilang draft pick sa Globalport. (James Ty III)