Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blue Eagles tinuhog ng Archers

TINUHOG ng defending champion La Salle Green Archers ang 88-86 panalo laban sa Ateneo Blue Eagles sa 77th UAAP men’s basketball tournament sa Big Dome.

Napana ng Archers ang six-game winning streak matapos buksan ang season ng dalawang sunod na kabiguan.

Dahil sa panalo ay nakisosyo ang Taft-based squad La Salle sa kanilang biniktima at Far Eastern University Tamaraws na may tig 6-2 win-loss record.

Kumana si Jeron Teng ng 21 points sa first half, 15 sa first quarter kasama ang anim na rebounds at limang assists para igiya ang DLSU sa panalo.

Nag-ambag din ng 18 points at 10 boards si Jason Perkins, May 11 points si Julian Sargent habang si Robert Bolick ay may dinagdag na 10 markers.

Nahawakan ng Ateneo ang bandera sa tres ni Gwayne Capacio, 75-73, 5:42 na lang sa laro.

Sumagot naman agad ang La Salle bago ang huling tabla ng laro sa 81 may 1:24 nalalabi sa basket ni Fonzo Gotladera.

Tumikada ng quick basket si Chris Newsome para sa Ateneo bago ang dalawang free throws ni Teng para sa 87-83 lead ng La Salle, 8.1 tikada.

(ARABELA PRINCESS DAWA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …