Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagon ng MRT sumalpok sa barrier 50 sugatan (Kumawala sa coupling)

081414_FRONT

MAHIGIT 50 ang sugatan makaraan mawala sa kontrol ang depektibong bagon ng Metro Rail Transit at sumalpok sa Taft Avenue station wall sa Pasay City kahapon.

Kabilang sa mga sugatan ang mga pasahero ng train gayon din ang ilang pedestrian sa kanto ng EDSA at Taft Avenue, na tinamaan ng debris.

Ayon sa ulat, 10 katao ang dinala sa San Juan de Dios Hospital, habang 22 ang dinala sa Pasay City General Hospital, at tatlo sa Adventist Medical Center.

Inihayag ng isa sa mga pasahero ng MRT train, kinabahan ang mga pasahero nang magkaroon ng spark sa train habang dumaraan sa Magallanes station sa Makati.

Napag-alaman, bago naganap ang insidente, ilang pasahero ang bumaba sa depektibong bagon, na may body number 003-B.

Ayon kay Pasay City Police Chief Sr. Supt. Florencio Ortilla, dakong 3:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Galing ang naturang train sa Magallanes, Makati City Station patungo ng EDSA-Taft Avenue station, ngunit tumirik ito sa alanganing lugar na posibleng dahil sa pagkawala ng power nito.

Ngunit hindi maaaring ibaba ang mga pasahero ng naturang bagon dahil sa alanganin ang lugar.

Bunsod nito, ipinahila ito sa ibang bagon ngunit kumalas ang coupling o dugtungan habang hinihila hanggang dumeretso sa intersection ng (EDSA-Taft Avenue station, Pasay City) at pinatumba ang ilang poste ng koryente saka sumalpok sa barrier.

Napag-alaman, isa sa mga poste ng koryenteng natumba ay bumagsak sa isang sport utility vehicle (XJH-655).

 

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …