Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

1 utas, 3 timbog sa Oplan Galugad

NAPATAY ang isang armadong lalaki habang naaresto ang tatlo pang kalalakihan makaraan makipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya sa isinagawang anti-criminality campaign kahapon ng umaga sa Alabang, Muntinlupa City.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Alvin Bacol, 30, alyas Itlog, ng Balbanero Compound, Alabang, Muntinlupa.

Samantala, dinala sa himpilan ng Muntinlupa Police para imbestigahan ang nadakip na mga suspek na sina Jamal Marohum, 45, Abdul Lantud, 27, kapwa residente sa Balbanero Compound, Alabang, Muntinlupa, at  Mark Gil Maranan, 25, ng Fabian Compound, Alabang, Muntinlupa.

Naganap ang insidente dakong alas 8:30 a.m. sa Balbanero Compoundd, Alabang, sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang grupo ni Bacol ay hinihinalang sangkot sa gun-for-hire, illegal drugs at carnapping.

Bago ang insidente ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na ang mga suspek ay namataan sa isang safehouse sa Balbanero Compound kaya’t mabilis na umaksyon ang mga pulis.

Sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Intelligence Unit, Warrant Section, SAID-SOTF, SWAT, at sa pamumuno ni Sr. Supt. Allan Nobleza, officer-in-charge ng Muntinlupa Police, agad silang nagsagawa ng operasyon ngunit nanlaban si Bacol na armado ng baril kaya’t gumanti ng putok ang awtoridad na ikinamatay ng suspek.

Habang tangkang maghagis ng granada si Maranan ngunit agad siyang naaresto kasama sina Marohom at Lantud.

(MANNY ALCALA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …