Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 parak timbog sa karnap at droga

DALAWANG pulis ang inaresto sa operasyon ng Manila Police District-Anti Carnapping Investigation Section (MPD-ANCAR) matapos tukuyin na nagtutulak ng ilegal na droga  sa Tondo, Maynila, iniulat kaahpon.

Nakapiit sa tanggapan ng ANCAR, sina PO3 Jessie Villanueva, alyas Boy Bayawak; at SPO1 Lovely Bacani, nakatalaga sa Northen Police District Office (NPDO).

Ayon kay Sr. Insp. Rommel Geneblazo, hepe ng MPD-ANCAR, dakong 2:30 ng madaling araw, nang maaresto ang dalawang pulis sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

“Sagasa lang ang operasyon namin sa kanila kasi may nahuling carnapper at nakuhaan ng shabu, sa imbestigasyon lumalabas na si Villanueva pala ang source niya ng shabu, kaya ini-operate na rin ng mga tauhan ko,” ani Geneblazo.

Bago sila naaresto, nagsagawa  ng spotting operation sina SPOs1 Gerardo Rivera, Kelly James Isip, at Jay An Perturbos; PO3 Samuel Pilar; POs2 Derlindo Serrano at Joel Mendez sa panulukan ng Fugoso at Alonzo Sts. Sta. Cruz, Maynila dakong 11 p.m.

Nabatid na naaresto ng mga awtoridad si Larry Santiago, alyas Cholo, 28, residente ng 1478 Fugoso St., dahil sa kasong carnapping kasama ang isang alyas Nonoy sa Pampanga.

Narekober sa kanya ang Yamaha Mio at inamin din na galing kay Villanueva ang dalawang plastic ng shabu na nakuha sa kanya.

Nakompirma na si Villanueva ang pinagkukunan ng shabu ni Santiago nang mabasa ang kanilang transaksiyon sa cellphone na pinagre-remit ng una ng kinita sa droga ang huli.

Nang puntahan ang kasabwat ni Santiago na si Nonoy, naaktohang minamaneho ang kanyang  Zuzuki Sky drive motorcycle na walang plaka kaya sinita.

Nang kapkapan, nakuha kay Villanueva ang 4.9 gramo ng shabu.

Sa interogasyon, idi-deliver sana ni Villanueva kay Bacani ang shabu na nakompirma sa palitan nila ng text messages.

Dinakip si Bacani habang aktong hawak ang shabu sa harap ng Puregold sa Tayuman.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang tatlong naaresto, habang karagdagang kasong carnapping kay Santiago at alyas Nonoy ang isasampa.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …