Monday , December 23 2024

Destabilization plot vs PNoy nabulabog ni Sen. Sonny Trillanes

00 Bulabugin

ISANG Sabado bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Hulyo 28, nakasabat ng impormasyon si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na mayroon umanong nagaganap na pagpupulong ang mga retired AFP at PNP generals at may whistleblower pa sa Max’s Restaurant sa M.Y. Orosa d’yan sa Ermita.

Isinusulong umano ng nasabing grupo ang RESIGN AQUINO NOW o RAN Movement at sabi ‘e siyang mangunguna sa pagpapatalsik kay PNoy.

Pero makaraang bulabugin ni Sen. Trillianes, parang lobong nawalan ng hangin ang nasabing grupo.

Hindi naman tayo maka-PNoy at lalong ayaw natin sa ginagawa ng administrasyon na para silang mga diyos-diyosan na pinadedesisyonan ang pondo ng sambayanan mula sa taxpayers’ money.

Pero hindi rin naman tayo pabor sa madugong kudeta. Ayaw natin ng walang kwentang pagbubuwis ng buhay.

Buti sana kung pagkatapos ng madugong labanan, ‘e isang bago at malayang gobyerno ang maibabangon ng mga nagtatangkang mag-KUDETA.

‘E kung magpapalit lang ng mukha at pangalan pero ganoon din ang sistema — BULOK pa rin ang ating gobyerno.

Sana lang, magkaroon tayo ng PINUNO ng bansa na kayang pangatawanan na ang tunay na centrepiece program ng gobyerno para sa tunay na pag-unald ay AGRIKULTURA.

At habang isinusulong ang tunay na pagpapaunlad sa AGRIKULTURA ay kayang magsabi sa Estados Unidos o sa China na hindi muna magbabayad ng utang panlabas sa loob ng ilang panahon kasi seryoso ang gobyerno na iahon sa kahirapan ang bansa.

Ginawa ito ng China, ng Vietnam, ng Nicaragua, ng Cuba at iba pang bansa na tunay na nagmahal sa kanilang kalayaan at soberanya.

Hindi kaya ito pwedeng gawin ng mga Pinoy?

Kung magkakaroon tayo ng tunay na kalayaan at soberanya, tiyak makikita natin kung paano kikilos ang sambayanan bilang isang bansa.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *