Wednesday , May 7 2025

Sino naman ngayon ang makakapal ang mukha?

00 Bulabugin
SAAN kayo nanghihiram ng kapal ng mukha?

Naging pamoso ang linyang ito ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang SONA noong nakaraang taon.

Dito niya dinurog ang Bureau of Customs pero nagsabing nananatili ang tiwala niya kay dating Customs Commissioner Ruffy Biazon.

At ang sumunod ay pagtanggal at paglipat sa mga Customs career officials sa Department of Finance na sinundan rin ng resignation ni Biazon.

Aabangan ulit ng sambayanan Filipino kung ano naman ang magiging pamosong linya ngayon ni PNOY, pero tatanungin pa rin natin siya maging ang kanyang mga alipores … sino naman ngayon ang MAKAKAPAL ang MUKHA?!

Masagot naman kaya nang tama ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad kung sino naman ngayon ang makakapal ang mukha?!

Dura Lex Sed Lex …

Pangulong NOYNOY, Secretary Abad … mas nauna n’yong natutunan ‘yan at alam kong naiintindihan n’yo po rin …

Kaya malamang, alam ninyo kung sino ang makakapal ang mukha ngayon.

Anyway, para malibang naman kami, aabangan na lang namin ang “AUTO SHOW” at “FASHION SHOW” sa Kamara …

As usual, magagarang kotsa ang maglalabas-pasok sa Kamara… pagandahan at pabonggahan ng TERNO, Barong Tagalog, mga alahas, sapatos at bag.

Aabangan din namin kung sino ang pinakamalakas pumapalakpak para makasipsip lang.

‘Yun bang halos dumugo na ang kamay sa kapapalakpak at bumalukot ang mukha sa laki ng ngiti.

Hihintayin din natin kung paano muling idedepensa ni Noynoy ang Disbursement Acceleration Program (DAP)…

At para sa maralitang Pinoy na hindi pa rin nararamdaman ang ginhawa sa kanilang buhay sa administrasyong PNoy … patuloy silang maniniwala at aasa sa mga pangako ng SONA.

SONA lang hindi kayo ma-BOOM PANOT!

BI-INTEL “TONGPATS” NG MGA BOMBAY SA BI-MACTAN
(ATTN: SoJ LEILA DE LIMA)

Kailangan na naman sigurong balasahin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison ang mga Intel agents niya sa BI-Mactan airport.

Ayon sa impormasyon na nakarating sa atin, may ilang BI-Intel personnel ang siyang may hawak ngayon ng sindikato ng kambing ‘este’ Bombay.

Sila ‘yun mga nagpapasok at nagbibigay ng protection sa mga Bombay. Knowing naman natin na napakalaking pera ang involve sa raket na ‘yan.

Comm. Mison, madali lang naman ma-verify ang raket na ‘yan.

Una, ipadala mo ang mga trusted ISAFP men mo sa area para ma-monitor sila. Pangalawa, ipa-lifestyle check mo lahat ng Intel operatives na naka-assign diyan.

Bibigyan ko na rin kayo ng tip kung sino ang dapat niyong unahin…isang alias “BEL-BELOT” ang may hawak ng sindikatong ‘yan!

RAKET NINA KENDI AT DON-C SA MANILA CITY HALL

ISANG nagpapakilalang BFF ni MTPB chief DON CARTER LOGICA ang sinasabing UTAK ngayon ng mga RAKET sa kanyang opisina.

Itong si alias KENDI, itinuturo sa TUBUSAN cum KOTONGAN sa mga nakokompiskang lisensiya sa Maynila.

Gamit ang MTPB at MTRO nakapamamayagpag ang tandem nina Kendi at Don-C sa City Hall.

Si alias DON-C daw ay katulad din ni Carter na dating tambay rin sa Balut, Tondo pero pinalad na makapasok sa MTPB kaya parang kwitis na sumirit ang yaman nila ngayon.

Kaya naman pati pagpapautang (5/6) ay pinasok na rin ni Don-C makaraang makopo nila ang MTPB at MTRO at maging ang mga personnel ng permits etc.

Tuwing ika-15/30 nga ng buwan ay makikita na mahaba ang pila sa opisina ni alias KENDI dahil sa bayaran ng pautang (5/6) nila at kobrahan ng TONGPATS/KOTONG mula sa mga tiket ng lisensya at mga diskarte nilang Express Special Permit sa mga Truck operators.

Sana lang ay hindi nabubukulan si Yorme Erap sa mga raket nina Kendi at Don-C sa City Hall!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Picnic tagos sa puso, Mother’s Day offering ng Nathan Studios

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez  NAGBABALIK ang Nathan Studios sa Picnic, isa na namang groundbreaking at moving na pelikula …

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *