Monday , December 23 2024

Style sawsaw-suka ni ex-Cong. Benny Abante boom panes!

00 Bulabugin
UY biglang nabuhay ‘este’ nagbabalik si dating Congressman Benny Abante …

Biglang nangalampag at sumawsaw sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP) kontra-PNoy at tipong nagpapalakas sa Supreme Court.

Bakeet!?

Akala natin ‘e nag-fulltime na si ex-congressman sa pagiging pastor ng kanilang sekta pero heto’t nakikisawsaw na naman sa politika.

Akala ko ba moral crusader ang dating congressman … hehehe.

Ang daming agenda … hindi niya siguro naubos sa kanyang pagiging congressman ang mga ‘agenda’ sa kanyang utak.

Dagdagan mo naman ang ADVOCACY mo, ex-Cong. Abante … subukan mo naman ‘yung anti-illegal drugs.

Sa palagay ko mas babagay sa iyo ‘yan.

Labanan ang illegal na droga dahil maraming kabataan ang nasisira ang kinabukasan dahil sa masamang bisyo na ‘yan.

Ikaw naman ay nasa isang komunidad na maraming kabataan at nasa simbahan kaya tingin natin ‘e bagay na bagay sa iyo ‘yang advocacy laban a illegal drugs …

‘Yang pagsawsaw-sawsaw mo sa DAP …

Boom panes ka d’yan, ex-Cong Abante!

SISING-ALIPIN ANG MGA BUMOTO KAY ERAP

KAMAKALAWA lubusan nang ipinakita ng mga Manileño na miyembro ng Gabriela Manila ang kanilang pagka-desmaya sa administrasyon ni dating ousted President Erap Estrada.

Bigo sila sa inaasahang si Erap ay maka-mahirap lalo’t isinulong ng kanyang administrasyon ang Ordinance 8331 na nag-amyenda sa Omnibus Revenue Code ng lungsod ng Maynila, nag-uutos na mayroon nang bayad ang serbisyo sa anim na pampublikong ospital sa Maynila — Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Bonifacio, Jose Abad Santos Hospital, Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital at ang Ospital ng Tondo.

‘Yan po ‘yung ultimo BULAK na gagamitin sa ano mang procedures ay ipinasasagot na sa mga pasyente o kaanak nila.

Kung noong panahon ni Mayor Fred Lim, parang pasyalan lang ng mga buntis at mga kababaihan na regular na kumukunsulta sa kanilang mga OB-Gyne ang nasabing mga ospital, ngayon ‘e parang ni ayaw nilang sumilip dahil baka ma-disgrasya pa ang pambayad nila ng koryente.

What the fact!

Meron naman daw libre, ia-assess muna umano ng social worker ang pasyente at kapag pumasa sa kanilang pamantayan ‘e saka bibigyan ng ORANGE CARD ni Erap.

Nalilimutan yata ng administrasyon ni Erap na ang KALUSUGAN ay isang universal rights, kaya may pera o wala, hindi dapat itinataboy ng isang ospital ang bawat indibidwal na nangangailangan ng atensiyong medikal.

Dahil sa nasabing Ordinance 8331, ang Maynila ay tila isang lugar sa malayong probinsiya na kapag walang pera ang maysakit ay hihintayin na lamang nila ang oras ng kanilang kamatayan.

Muli na naman nating naririnig ang isang linya sa kantang Monalisa …      “They just lie there and they die there …”

‘Yan po ang administrasyong ang sabi … “Erap Para sa Mahirap …” pero sa nangyayari ngayon parang … “Erap Pa-erap sa Mahirap.”

BAGONG APD CHIEF

KAHIT huli man ay babatiin pa rin natin ang bagong MIAA Airport Police Department head sa katauhan ni Chief Supt. Jesus Gordon Descanzo para opisyal na halinhan si ret. Gen. Alger Tan.

Si Descanzo ay retiradong police official (PNP-ASG).

Ang appointment umano ni Descanzo ay hindi  kinakailangan ng approval ng MIAA board of directors dahil ito ay division post.

Mantakin n’yo ang tagal nabakante ng pwesto na ‘yan… ‘yun pala hinintay lang na magretiro si Gen. Descanzo  para sa position na ‘yan.

Iba raw talaga kapag Kamaganak Inc.?

Anyway, gusto lang natin iparating kay Gen. Descanzo ang hinaing ngayon ng mga airport police sa kanyang pamamalakad.

Feeling daw kasi ngayon ng ilang airport police ay para silang trumpo dahil every week ang reshuffle sa hanay nila.

Hindi pa nag-iinit ang puwet sa bagong assignment, pagkalipas ng isang linggo sa ibang pwesto na naman ang poste.

Totoo rin ba Gen. Descanzo, na isang text lang daw ng mga pulis sa PNP-ASG sa isang airport police ay ‘tapon agad kung saan’ ang parusa kahit hindi pa napatunayan kung totoo o hindi?

APD Chief Descanzo, wish ko lang na kagaya ka rin ni ret. Gen. Alger Tan na may malasakit kaya minahal ng mga airport police sa kanyang magandang pamamalakad sa Airport police.

Kaya mo ba Sir?

CONGRATULATIONS IMMIGRATION PRESS CORPS

BINABATI po natin ang bagong pamunuan ng Immigration Press Corps na pinangungunahan ni Mr. Conrado Ching ng The Daily Tribune.

Kasama rin niya sina Vito Barcelo ng Manila Standard Today, Vice President for Print; George Cariño ng ABS CBN, Vice President for Broadcast;  Doris Franche – Borja ng PSN, Secretary; Itchie Cabayan, Treasurer; Jun Ramirez ng Manila Bulletin, Auditor at Noel Abuel Chairman of the Board.

Ang mga director ay sina Joel San Juan ng Business Mirror, Mina Navarro ng Balita; Robertson Ramirez ng Manila Times, Evelyn Macairan ng Philippine Star, Bong Patino ng PNA at Patricia Terrada ng Solar News.

Ipinaabot po natin ang pagbati kaugnay sa ginanap na induction at oathtaking nakaraang Linggo Hulyo 20 sa Ta Lian Seafood Restaurant.

Mabuhay kayo mga kapatid!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *