Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

What DAPak?

SINO ang naniniwala na malaki ang nagawa para sa taong bayan ng DAP, o Disbursement Acceleration Program?

Ito ang gustong palabasin ng pamahalaang Aquino, matapos mapahiya nang sabihin ng Korte Suprema na ilegal at unconstitutional ang DAP.

The administration says that DAP was a factor in the increase of the country’s gross domestic product, or GDP.

Hindi po tayo economist tulad ng ibang magagaling na senador o Cabinet secretary diyan, pero may kalabuan yata ito.

Pinalalabas ng ating mahal na Pangulo na gumanda ang ating ekonomiya dahil sa DAP, na kagagawan ng kanyang Budget Secretary na si Butch Abad.

‘Ika nga ng isang dating Defense secretary, teka, teka, teka.

Unang-una, bawal ang ginawa ng ating pamahalaan sa DAP na ‘yan. Nag-juggle ng pondo na parang acrobat sa circus. Ang problem lang, ayon sa ating Saligang Batas, ang Kongreso lang ang maaaring magsabi kung paano gagastusin ang buwis na nakokolekta sa taong bayan.

Gumanda nga ba ang ating ekonomiya dahil sa DAP na ‘yan?

Nang namalengke ang misis ko noong nakaraang buwan, otsenta pesos (P80) and isang kilo ng bawang. Isang buwan pa lang ang nakalilipas nag-tres siyentos singkuwenta pesos (P350) ang isang kilo ng bawang.

Kung iyan ang pag-asenso, huwag na lang po. Inyo na lang po ang pag-asenso n’yo, at ang DAP n’yo, Ginoong Pangulo.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …