Monday , December 23 2024

FB friend, Twitter na naka-follow kay Mayor Fred Lim mina-Martial Law sa City hall

00 Bulabugin JSY
DAIG pa raw ang martial law ngayon sa Manila city hall.

Maging facebook account, twitter at instagram ng mga empleyado ay ‘tinitiktikan.’

Hindi natin maintindihan kung pinapatiktikan o for the benefit of the doubt, sabihin natin naman may naniniktik at nagsusumbong para sumipsip.

Aba ‘e kapag nalaman daw na ka-FB friend o pina-follow nila si Mayor Fred Lim agad ipinaa-unfriend o ipinaa-unfollow sa kanila.

SONABAGAN!

Grabe naming insecurities ‘yan!

Huwag kayong mag-alala hindi naman mag-aartista si Mayor Fred Lim kaya huwag kayong ma-insecure …

Ano ba gusto ninyo, kayo lang ang facebook friend at kayo lang ang pina-follow?!

Mga anak talaga kayo ng jueteng, o!

MERALCO MABILIS SA SINGILAN MAKUPAD PA SA PAGONG SA PAGBABALIK NG KORYENTE

HINDI ko alam kung ang mga nakasalaming mata ay hindi talaga kumukurap kapag nakaharap sa kamera o talagang wala lang kurap magsinungaling …

Dalawa na kasi ang nakita kong ganyan ‘yung hindi kumukurap ang mga matang nakasalamin kasi nagsisinungaling …

Ikatlo itong si Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga …

Mantakin ninyong humarap pa sa national television para ipagyabang na 80 percent na raw ang naibabalik nilang koryente ‘e ‘yung Metro Manila nga lang ang dami pang walang koryente at nagro-rotating brownouts pa sila.

Sa Parañaque, bago ang daluyong ni Glenda nitong Miyerkoles, nawalan na ng koryente.

Pero isinusulat ang kolum na ito ‘e wala pa rin koryente hanggang ngayon sa Parañaque.

Ilang araw na?!

Mr. Zaldarriaga, sa totoo lang, matulin lang ang Meralco sa paniningil at pamumutol ng linya ng koryente kahit isang araw lang ang delay.

Pero sa pagbabalik ng koryente, makupad pa kayo sa pagong …

What the fact!

Magtrabaho kayo nang tama!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *