Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang finger-pointing ni Abad

AYAW ko’ng malagay sa sitwasyon ngayon ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad. Para siyang isang bata na nahuli sa akto, ‘yung tipong nakadukot pa ang kamay sa cookie jar.

Matapos ideklara ng Supreme Court (SC) na unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ay nagtututuro na si Abad. Gusto niyang paniwalaan ng publiko na ang programa ay brainchild ni Pangulong Aquino.

Itinuturo rin ni Abad ang mga senador na umano’y nakinabang din sa P149-bilyon pondo, nagbibintang kung magkano ang tinanggap ni ganito at ni ganyan.

Maraming senador naman ang nagsabi na ang halagang sinasabi ni Abad na natanggap nila ay bahagi lang ng imahinasyon ng kalihim. Kabilang sa kanila si dating senador Joker Arroyo, na matagal nang ipinagmamalaki na wala siyang nahawakan na anumang pork barrel sa buong panahon niya sa Senado.

Ang patunay na tumanggap nga ng milyon-milyong piso mula sa DAP ang binabanggit niyang mga senador ay nakasalalay lang sa Budget secretary.

Laging may record na mapagtutuntunan sa detalye ng mga inilabas na pondo ng gobyerno, at DBM ang dapat na nag-iingat sa mga record na ito.

Paulit-ulit namang hinihilot ng mga apologist ng Malacañang ang desisyon ng SC na sinasabing nagbigay sa DBM ng benefit of the doubt, iginigiit na walang masamang intensiyon ang kagawaran.

Well and good. Pero may dalawang panig ang rejoinder na ito. Posibleng wala ngang masamang intensiyon ang DBM ni Abad, at maaari rin na ang lahat ng kanyang ginawa, kaugnay ng DAP, ay alinsunod sa isang masamang plano, kabilang ang pagpapatalsik sa isang chief justice ng Korte Suprema na itinuring na kaaway ng administrasyong Aquino.

Na ang DAP ay nilikha at ipinamudmod umano sa ilang senator-judge sa kasagsagan ng impeachment trial ni noon ay Chief Justice Renato Corona ay lubhang kaduda-duda.

Kasunod ng deklarasyon ng SC ay umugong ang mga panawagan na magbitiw sa puwesto o ma-impeach si Pangulong Aquino. Pero mas matindi ang panawagang paalisin sa posisyon si Butch Abad.

Aminin man natin o hindi, hindi sapat na mahusay na gumaganap sa kanyang tungkulin ang bawat Cabinet secretary. Mahalaga rin ang opinyon sa kanya ng publiko. At naniniwala ang maraming Pinoy na si Butch Abad ang utak sa DAP, ala-Napoles baga. May batik na siya. Pinaghihinalaan ang lahat ng kanyang ginagawa.

Maliban kung tunay na naniniwala si Abad na hindi siya kayang ilaglag ng administrasyong Aquino, iisa lang ang dapat niyang gawin, iyon ay itigil na niya ang pagbubunton ng sisi sa kung sino-sino at kusa nang lisanin ang paglilingkod sa gobyerno. Mas mainam pa kung magpalipad na lang siya ng saranggola sa kanyang probinsiya sa Batanes. ‘Sakto ang hihip ng hangin ngayon doon para sa pagsasaranggola.

May isang lumang kasabihan tungkol sa finger-pointing na perpekto sa sitwasyon ngayon ni Butch Abad: Maaaring nakaturo ang isa mo’ng daliri sa iisang direksiyon, pero tatlo sa sarili mo’ng mga daliri ang direktang nakaturo sa’yo.

***

Kung dati ay matuwid, delikado ngayon ang daang tinatahak ni PNoy. Itinuturing ng maraming Pinoy na banta sa Kataas-taasang Korte, na kapantay ng gobyerno, ang pahayag niya sa telebisyon noong Lunes, nang kuwestiyonin niya ang desisyon ng SC sa DAP.

Ang pagbibitiw ng mga banta at pagpapahayag na iaapela ng Palasyo ang nasabing desisyon ay malinaw na pananakot. Katumbas ito ng pambu-bully sa SC para baligtarin ang naging desisyon. Para ba’ng sinasabi sa 14 na mahistrado, kabilang na ang kanyang mga appointee at mga kaalyado, na mas mahusay siya sa kanila sa pag-unawa sa batas.

***

Sang-ayon ako kay Parañaque Congressman Gus Tambunting sa reaksiyon niya nang hindi tanggapin ni PNoy ang resignation ni Abad:

“It’s his (Aquino) privilege to accept or refuse the resignation of anyone in his Cabinet but it reinforces the perception that his ‘Daang Matuwid’ criteria only apply to other people, especially his political nemeses and not his friends, party mates, and allies.”

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …