Monday , December 23 2024

Pasay Chief of Police Supt. Florencio Ortilla tinutulugan ang 1602!?

00 Bulabugin JSY

NAGPIPIYESTA pa rin ang iba’t ibang uri ng illegal na sugal ngayon sa Pasay City kaya naman happy ang mga gambling lords sa area of responsibility ni P/Supt. Florencio Ortilla.

Nariyan ang sandamakmak na lotteng bookies ni LEN IGUADO. S’yempre hindi rin pahuhuli sina BOY KORKWERA, MELKOR at OBET-LOG kaya haping-hapi sila sa kanilang 1602 sa Pasay.

Aba ‘e paano naman hindi magiging happy ‘e mukhang PROTEK-TODO sila ng mga lespu ni KERNEL ORTILLA?

Ano sa palagay mo, PNP-Southern Police District (SPD) chief, C/Supt. Jose Erwin Villacorte?!

BULAG daw ang PNP-Pasay sa operasyon nina Iguado, Korkwera, Obet-log at Melkor.

Paano kasi, sa bahay ni Boy Korkwera sa Casino St., Makati City, dinadala ang kobransa habang ang lahat ng Pasay PCP, plantsado ang weekly ‘parating’ para walang huli.

Isang alyas OLAN ang pagador ng mga ‘timbre’ sa Pasay. Habang ‘yung kay IGUADO, sa Edang St., sa Pasay iniipon ang kobransa ng bookies at lotteng.

Gen. Villacorte Sir, mukhang malambot si Kernel Ortilla sa 1602 sa AOR niya?

By the way Gen. Villacorte, nakilala na ba ninyo ‘yun pulis-Pasay na bumili ng dalawang bagong tse-kot (Fortuner at Ford explorer) nakaraang buwan?

Kung gusto po ninyong malaman ay i-text lang po ninyo ako!

IMBESTIGAHAN NG BIR SI JOJO SOLIMAN!

NOONG dekada 70 hanggang 80, namamayagpag ang pangalan ng isang JOAQUIN SOLIMAN.

Katunayan ay lumutang ang pangalan niya sa isang Senate investigation sa rice cartel noon.

Siya ang sinasabing ‘NINONG’ ng RICE CARTEL d’yan sa Dagupan St., sa Tondo noon.

Si Joaquin ang tatay ni JOEMERITO ‘Jojo’ SOLIMAN, ang sinasabing tunay na amo ng rice smuggler na si David Tan.

O ‘di ba, like father, like son?!

At d’yan natin mapatutunyan na hindi lang pisi kundi pati KONEK ni Jojo Soliman ay matagal ang buhay.

Mantakin ninyong maging sa administrasyon ni Pangulong Noynoy na may slogan na “DAANG MATUWID” ‘e tagos na tagos at tuwid na tuwid din ang kanyang impluwensiya at koneksiyon.

Paano natin sasabihin na malakas ang anti-corruption drive ni PNoy kung pasok at lusot ang operasyon ng mga kagaya ni Jojo Soliman.

Ang kompanya ni Soliman ay Purefeeds at pinapayagan lang mag-angkat o magtinda ng animal feeds.

Pero nagulat tayo nang natuklasan matapos salakayin ng Criminal and Investigation and Detection Group (CIDG) na ang kompanya ni Soliman ay nagtitinda rin ng bigas na may halong animal feeds (Cono).

Ang Cono po ang mga durog na bigas na pinakakain sa baboy.

Nabatid na noong Oktubre 2012, sumali siya sa subasta ng 42,000 sako ng Indian rice na na-kompiska sa Subic.

Sa natuklasang ‘yan ng CIDG, gusto natin malaman kung ano ang gagawing AKSYON ni Agriculture and Food Security czar, Kiko ‘Mega’ Pangilinan laban kay Soliman.

Gusto natin malaman kung gaano katigas ang paninindigan ni Czar Kiko sa maimpluwensiyang kamandag ni Jojo Soliman!

Dapat din busisiin ni BIR Comm. Kim Henares ang yaman ng pamilyang ito!

BER NABARO, BAGONG BAGMAN NG MANILA CITY HALL

NAGDEKLARA na umano ang isang tulis ‘este’ pulis na alias BER NABARO na siya na ang opisyal na ‘BAGMAN’ ng Manila City Hall para kay code name GenBob.

Tumataginting na 400k kada linggo raw ang BID ni alias Nabaro para sa City Hall.

Hehehe … sounds familiar …

Kung sino man ang GenBob na ito, ang masasabi lang natin, ‘e tiyakin mo lang na tutupad sa iyo si BER NABARO …

Kabisado na kasi ng pulisya ng Maynila ang ‘track record’ ni BER NABARO …

Numero unong MAMBUBUKOL na bagman ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *