Saturday , November 23 2024

Libro inihagis ng titser sa ulo ng grade 5 pupil

BUTUAN CITY – Idinaraing ng 12-anyos na Grade 5 pupil ang maya’t mayang pagsakit ng kanyang ulo at pagsusuka nang masugatan ang kanyang kanang kilay na tinamaan sa inihagis na libro ng kanyang guro.

Kinilala ang guro na si Olivia Manilag, adviser ng biktimang itinago lamang sa pangalang Paul, sa Bobon Elementary School na sakop ng Department of Education (DepEd) Butuan City Division.

Inihayag ng biktimang si Paul, mula nang maganap ang insidente nitong Hulyo 1 ay hindi na siya pumasok pa sa klase dahil sa trauma at pagkahilo.

Ito’y sa kabila ng inihayag ng guro na hindi siya ang target sa inihagis na libro kundi ang kanyang mga kaklase sa kanyang likuran.

Nakatakdang isailalim ang biktima sa CT scan upang mabatid kung napinsala ang kanyang ulo.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *