Saturday , November 23 2024

PNoy, Abad mananagot sa DAP — SC

070514 PDAF DAP unconstitutional

INIHAYAG ng Supreme Court na maaring managot sa batas ang mga opisyal ng gobyerno sa likod ng pamamahagi at paggamit ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ito ay sa harap ng pagpupumilit ng Malacañang na walang pananagutan si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Budget Sec. Butch Abad kahit maituturing na sila ang utak ng pagpapalabas ng naturang pondo na sinasabing ginamit bilang suhol sa mga kongresista at senador nang mapatalsik sa pwesto si dating Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng impeachment trial.

Batay sa 92-pahinang desisyon na may petsang Hulyo 1 at ipinonente ni Associate Justice Lucas Bersamin, inihayag ng korte na ang “authors, proponents, and implementors” ng DAP ay maaring kasuhan sa tamang tribunal.

Maaari lamang silang hindi mapanagot kapag maipakita ang “good faith” sa pagpapatupad nito.

Nabatid na aprobado at pirmado mismo ni Pangulong Aquino ang pitong memoranda na inilabas ni Budget Sec. Butch Abad kaugnay ng pagpapalabas ng pondo para sa DAP.

‘Pag nabigo sa impeachment vs PNoy
ABAD DIDIKDIKIN SA DAP

INIHAYAG ng mga nagsusulong ng impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na pagbabalingan nila si Budget Sec. Florencio Abad kung hindi magta-tagumpay ang reklamo laban sa punong ehekutibo.

Ayon kay ACT party-list Rep. Antonio Tinio, batid nilang talo sila sa numero sa Kamara kaya malaki ang posibilidad na patayin lamang ang naturang isyu pagpasok ng 2nd regular session ng Kongreso.

“No less than BS Aquino according to DBM claimed that it was the President who gave them the ‘authority’ to consolidate savings and utilize these for projects approved by the President. So it is clear that the buck stops with Aquino,” wika ni Tinio.

Magugunitang mistulang idineklara ng House leadership na patay na ang impeachment issue makaraan bigyang diin ng mayorya na pagsasayang lang ng oras ang ano mang balaking pagpa-patalsik sa pangulo.

Sa panig ng administrasyon, handa aniya sila sa ano mang kaso dahil alam nilang hindi winaldas ang pondo ng bayan.

Ang usapin ng reklamo laban kina Abad at Pangulong Aquino ay nag-ugat sa deklarasyon ng Supreme Court na unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na ginamitan ng P133 billion.

PNOY HANDA SA ASUNTO VS DAP

HINDI kabado si Pangulong Benigno Aquino III na matulad sa sinapit ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ulanin ng kaso sa pagbaba sa pwesto bunsod ng implementasyon ng Disbursement Acceleration Program (DAP) at handa siyang harapin ang ano mang asunto.

“That is something that we’ve all considered once we all—when we all accepted to be in government—the job to be in government,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Sinabi pa ni Valte, dapat lamang sumailalim sa auditing ng Commission on Audit (CoA) ang mga pondong nagamit sa ilalim ng DAP upang matukoy kung nagamit ito nang tama at hindi nawaldas.

“We agree that there must be — these are public funds and, as such, it goes without saying that they must be audited and should the Commission on Audit find anything amiss or remiss, then the appropriate steps must be taken,” aniya.

Idinagdag pa ni Valte, kahit hinihingi ng iba’t ibang sector ang pagsibak kay Budget Secretary Florencio Abad ay nananatili pa din ang trust and confidence ni Pangulong Aquino sa kalihim.

(ROSE NOVENARIO)

IMPEACH RAPS VS PNOY INIHAIN SA OMBUDSMAN

SINAMPAHAN ng dating abogado ni yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos, ng impeachment complaint si Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa Disbursement Acceleration Program (DAP), na ang ilang probisyon ay idineklarang unconstitutional ng Supreme Court.

Inihain ni Atty. Oliver Lozano, pinuno ng Lawyers’ League of the Philippines, ang reklamo sa Office of the Ombudsman.

Inakusahan ni Lozano si aquino ng “betrayal of public trust” bunsod ng pagbibigay ng awtorisasyon sa DAP.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *