Saturday , January 11 2025

Dadapa sa DAP ang kampo ni PNoy

00 Bulabugin JSY

ANG Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel at ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ay mga pondong nagpapatunay na mayroong malalang korupsiyon sa bansa.

Ang siste, ang dalawang pondo na ‘yan ay hindi nagsilbi para matugunan ang mga napapabayaang bahagi o baryo sa ating bansa na higit kanino man, ang mga mamamayan doon ang nangangailangan ng mga kagyat na tulong.

Ang PDAF at DAP ay tunay na nagsilbi sa mga politikong marunong magmaniobra ng pondo. Pwedeng nagagamit nila ito para pabanguhin ang kanilang mga pangalan o kaya naman ay para pakapalin ang kanilang mga bulsa.

At ang katotohanang ‘yan ay sumambulat sa mukha ng mamamayan.

Sumambulat sa administrasyon ng isang Pangulo na nagsasabing siya ay nagsusulong ng anti-corruption drive sa pamamagitan ng kanyang slogan na DAANG MATUWID.

Pero ang Pangulo na ‘yan na nagsasabi rin na anak siya ng dating Pangulong Cory Aquino na sinabing democracy icon at dating Senador Benigno Aquino III na sinabing freedom fighter ay nayanig matapos ideklara ng SC na illegal ang bilyones na DAP sa ilalim ng kanyang tanggapan.

Hindi kayang putulin ng PDAF at DAP ang cycle of corruption sa bansa.

Hangga’t marami ang walang trabaho at marami ang nagugutom, maraming hindi nakapag-aaral at namamatay na hindi nakakikita ng doktor o ospital hanggang mamatay … nanatili ang korupsiyon sa bansa.

Hangga’t ang yaman ng bansa ay pinakikinabangan lamang ng iilan at nasa kanila ang sandamakmak na kwarta hindi mamamatay ang korupsiyon sa bansa.

Kahit ilang SLOGAN pa ang ipamarali ni Noynoy kung hindi ito naisasakatuparan — walang pagbabagong magaganap sa lipunan.

Sa daang matuwid — dead end ang kahahantungan ng kampo ni Noynoy.

UNTOUCHABLE SAKLA NI LUCY SANTOS SA AOR NG PNP-NPD

IBA talaga ang kamandag ni Lucy kung pag-uusapan ang kanyang hanapbuhay na saklang patay sa buong area ng Camanava.

Kahit sino raw ang mahalal na alkalde sa mga lungsod na sakop ng CAMANAVA ay kaya niyang lambingin o paamuin sa pamamagitan ng kanyang mga kuwarta ‘este’ salita para largahan ang kanyang 1602.

Kontrolado pa rin ngayon ni Lucy at ni Marlene ang illegal Spanish card games sa buong area ng Camanava.

NCRPO RD Gen. Carmelo Valmoria, hindi ka ba nagtataka kung bakit ‘mabait’ ang mga Chief of Police mo sa Camanava sa largadong sakla ni Lucy?

Hindi kaya natakpan ng papel na may tatlong tao ang kanilang mga mata!?

Hik hik hik…

IMMIGRATION ALYAS BAYAW OVERACTING O OVER-SIPSIP SA KANYANG BOSSING?!

ISANG alyas Bayaw(ak) ang umano’y galit na galit sa ating kolum at pahayagan.

Nang makita ang nagde-deliver ng Customs Chronicle sa Bureau of Immigration (BI) d’yan sa BI Main Office sa Intramuros, aba ‘e agad ba namang sinita at sinigawan, “Nagdadala ka na naman ng d’yaryo na ‘yan na puro banat sa Boss ko, bakit hindi pa ba siya inaayos?”

Pasingit muna: “May kasabihan, ang langaw kapag natuntong sa ebak ‘este’ ulo ng kalabaw asahan na ang asta nito ay daig pa ang kalabaw.”

Back to you alyas Bayaw(ak) …

Sino ba ‘yung ‘boss’ mo sa Immigration alyas BAYAW?

Kung ang sinasabi mo ay si BI-IRD Chief Mr. Donna ‘este mali’ Danny Almeda, aba ‘e mas malupit ka pa sa ‘tungaw’ kung makasipsip!?

‘Yang asal mo alyas BAYAW ‘e walang ipinagkaiba sa mayayabang na hindi na nga naka-plantilla position pero dahil rekomendado at binigyan ng pwesto (CA) ng isa sa makapangyarihang government official ‘e kung makaasta daig pa ang kanyang opisyal.

Isang confidential agent (CA), ibig sabihin ‘e contractual at hindi ka regular o organic employee d’yan sa Bureau of Immigration.

By the way, saan ba talaga ang assignment mo diyan sa BI?

Akala ko kasi ang trabaho mo ay mensahero sa BI Intel Division o sa Admin pero ang lagi mo raw binabantayaan ay mga travel agent?

What the fact!!!

Hoy alyas Bayaw, marami na akong nakitang katulad mo sa Bureau, mas masahol pa nga sa ‘yo, kaya magdayan-dayan ‘este’ magdahan-dahan ka sa mga asta mo dahil weder-weder ka lang diyan…

‘E bakit ka daw ba biglang napunta d’yan sa IRD ‘e kay BI Admin head Braganza ka naman talaga naka-assign?!

Alam ba ni ‘SISTER-IN-LAW’ ‘yan?!

By the way, Justice Secretary Leila De Lima, Madam, kilala n’yo ba ‘yang si alyas BAYAW na laging kaladkad ang pangalan ninyo at nakapagpasok pa ng dalawang pamangkin niya na may mataas na sweldo at malaking overtime pay sa BI?!

Hmmmnnnn …paano kaya nakalusot ‘yan, ‘e alam na alam natin na ayaw na ayaw ni Immigration Commissioner Siegfred Mison ng magkakamag-anak sa Bureau.

Dayan-dayan ‘este’ dahan-dahan … ikaw din baka mapansin ka ng media diyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *