Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga sarhen-tong na ginagamit ang PNP at DILG sa kolek-tong

00 Bulabugin JSY

NALULUNGKOT tayo sa nagiging itsura ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng administrasyon ni Dir. Gen. Alan Purisima.

Hindi pa man lubos na naidedepensa ni DG Purisima ang isyu ng WHITE HOUSE na kanyang tinitirahan sa Kampo Crame ‘e heto na naman isang eskandalo na naman ang nagbabantang sumabog gamit naman ang pangalan ni PNP-NCRPO chief, Chief Supt. Carmelo Valmoria at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Kanino nga ba nanghihiram ng KAPAL NG MUKHA ang kolektong-cops na sina isang alyas BOY GA-GO, sina SarhenTONG JOJO KRUS, RAPAENG, KUBOS, PANDURUKOT, KRISTOBAL at ASPELETA!?

Kapal ng mukha dahil wala silang kapagod-pagod sa kaiikot para mangolek-TONG sa mga sugalan at putahan habang dala-dala ang ‘maskara’ nina Gen. Valmoria at Sec. Roxas.

Aba, Gen. Valmoria, wala ba talagang magandang mukha ang PNP sa panahon ninyo ni DG Purisima?!

Maging si SILG Mar Roxas ay kaladkad ng mga SARHEN-TONG/KOLEK-TONG na ipinagmamalaking sila ay nasa ilalim ng BASBAS ninyong dalawa.

MAGKANO este ANO ba ang dahilan at hindi ninyo MAPATIGIL ang kolek-TONG na ‘yan, gamit ang inyong pangalan?!

Plantsado na ba talaga ang mga parating?!

Pakisagot lang po, Gen, Valmoria!

Umaks’yon naman kayo SILG Mar Roxas!

UNFAIR LABOR PRACTICES SA STATE NETWORK (PTV 4) OKEY LANG KAY SECRETARY SONNY ‘kolokoy’ este COLOMA?

TALAMAK na pala ang nagaganap na UNFAIR LABOR PRACTICES (ULP) sa state network na PTV 4 sa ilalim ng pamamahala ng Board Chairman na si George Syliangco.

Ang PTV 4 kung hindi tayo nagkakamali ay direktang nakapailalim sa pamamahala ni Secretary Herminio Sonny ‘kolokoy’ este Coloma.

Ilan sa mga talamak na ULPs sa state network ngayon ang pagsibak sa mga beteranong empleyado ng PTV 4.

Plano raw umanong ipalit ni Syliangco ang ilang mga batang-batang on-the-job trainees.

Nauumay na siguro si Syliangco sa mga beterano kaya naghahanap ng mga batang OJT.

‘Yung mga empleyadong hindi naman masibak, e masyado naman ginigipit ang kabuhayan.

Wala na nga ‘yung dating perks and privileges nila pati ‘yung kinakaltas na kontribusyon nila sa Government Service Insurance System (GSIS) ay hindi pa inire-remit.

Secretary Sonny Coloma Sir, mukhang umaalagwa ang bata mong si Syliangco …wala ka man lang bang gagawin?

Kaya tuluyan nang napag-iwanan ang PTV 4 dahil walang ginagawa ang mga namumuno d’yan kundi ang magbutas ng silya sa kanilag malamig na opisina.

Luging-lugi ang gobyerno d’yan sa PTV 4.

May nanonood pa ba d’yan, Sec. Coloma?!

MPD PS-7 AT PS-1 FRIENDLY SA MGA VK AT BOOKIES OPERATOR

MARAMI ang nagtataka sa dalawang MANILA POLICE DISTRICT (MPD) police station dahil sa pagiging maluwag at ‘malapit’ sa mga ilegalista sa kanilang AOR.

Ito kasing MPD PS-1 at PS-7 ay friendly daw sa mga operator ng demonyong makina ng video karera at bookies.

Mas friendly daw ang MPD PS-7 dahil mismong sa likuran lang nito ang mga butas ng bookies. Sakop ng barangay ni Chairman BOY SAMSON.

Sa eskinitang VARGAS umaabot na sa 5 BUTAS ng bookies nina Pasya, Paknoy, Billy at Enteng/Edna Rosario.

Sonabagan!!!

Kada gambling lord pala may butas sa nasabing lugar?!

Isang alias KABO OBET-LOG ang namamahala naman ng intelihensiya mula sa 1602.

Manila Police District (MPD) director, Gen. ROLANDO ASUNCION sir, eto pa ho ang mga libreng tip ko sa inyo, paki-verify po ang nakalatag na VK MACHINES ni RENE OY sa mga kalye ng Raxa Bago, Batangas, Molave, Dagupan, Pilar, Almeda, Tayuman at Pampanga, AOR ng PS-7.

Baka ho kasi hindi pa nakatimbre sa inyong DISTRICT Orbit ‘este’ operations unit (DSOU)?

Hindi rin naman magpapatalo ang MPD PS-1, dahil mismong sa ilalim ng tulay ng CAPULONG na ilang hakbang lang ang layo sa RAXABAGO POLICE STATION 1 ay nagkalat ang bookies at makina ng VK hanggang La Llana kaliwa-dulo.

Largado ang sugalan sa sakop ng Raxabago Police Station PS-1 at Jose Abad Santos PS-7 ang Doble BB Code Video Karera na ang maintainer ay isang alias Rene Oy!

FYI again Gen. Asuncion, ito pa ang ibang butas ni RENE OY sa kalye ng Benita St., Pag-asa, Kamalig St., Hermosa, Sunog Apog at Velasquez na nagkataon na sakop ng Raxabago PS-1.

Iba pa ‘yung mga nagkalat na VK nina RENE at GINA sa nasasakupan ng DON BOSCO PCP at PRITIL PCP.

Ipinagyayabang pa ng kamoteng si RENE OY na one hundred thousand ang pinakawalan n’yang goodwill money sa PS-1 at PS-7.

Bawing-bawi naman si RENE OY dahil lahat ng latag niyang VK ay may bonus attraction na shabu pot session para sa mga adik na naglalaro ng VK.

Paki-update mo na lang Gen. Rolando Asuncion kay Tata Bong Krus kung malakas ang kobransa sa area na ‘yan po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …