Monday , December 23 2024

Pagpaslang kay casino financier Joseph Ang dapat lutasin ng PNP!

00 Bulabugin JSY
MALALIM ang misteryo ng karumal-dumal na pamamaslang sa casino financier na si Joseph Ang.

Maraming usap-usapan at haka-haka sa kanyang pagkamatay.

Ayon sa ilang impormante. Tiyak kilala ni Joseph Ang ‘yung pumunta sa kanyang bahay sa Montecito sa New Port kaya nakapasok sa kanyang bahay.

Pinabuksan pa umano ang kanyang safety vault at ang balita’y sinaid ang laman nitong cash.

Bali-balita rin na maraming nagagalit sa kanyang kakompetensiyang financier sa Casino.

May usapan na may dobol-cross na nangyari at may pinagkakautangan s’ya ng malaking pera.

Hindi ba noong nakaraang Disyembre ay hinabol pa siya ng saksak ng isang Jerry Sy na umano’y nagsanla sa kanya ng Rolex watch pero hindi na niya ipinatubos?

Hindi dapat manahimik ang Philippine National Police (PNP)        lalo ang mga imbestigador na nakatutok sa kasong ito.

Dapat nilang lutasin ang kasong ito, dahil malaking dagok ito sa peace and order ng bansa.

Mantakin ninyong nasa isang high-end and exclusive residential area nakatira si Joseph Ang, pero naiplano pa siyang gawan ng ganyang klaseng kamatayan.

Sa kabila nang may sandamakmak pa siyang PNP bodyguards (isa d’yan ay isang Visperas na taga-PNP-EPD), tinira pa rin siya!?

Anyway, paalala na rin siguro ito sa iba pang may ganyang uri ng negosyo.

Huwag masyadong masilaw sa salapi at karangyaan …higit sa lahat maging parehas sa pakikipagtrato sa kapwa.

Inaasahan natin ang pagtutulungan ng Pasay City at Parañaque City police para sa agarang ikalulutas ng kasong ito.

Kay Joseph Ang, may his soul rest in peace.

BAHAY NI MERLYN VENUS MATAGAL NANG GINAGAMIT SA INITIATION RITES GAYA NG HAZING

MATAGAL nang matunog ang paupahang bahay ni Merlyn Venus sa Barangay Palanan, Makati City na madalas na ginagamit sa initiation rites lalo na kapag hazing.

May dalawang apo raw kasi siya na miyembro ng Tau Gamma Phi.

Palagay natin ‘e hindi na bago sa pulisya ang pangalan at address na ‘yan.

Mayroon sigurong pangangailangan na maging mahigpit ang nakasasakop na barangay sa Makati sa nasabing residensiya dahil nga nagagamit ito sa hindi magandang layunin.

Anyway, lahat naman ng sektor ay nagkakaisa na dapat nang itigil ang hazing bilang bahagi ng initiation rites.

Ultimo nga raw ang hierarchy ng Tau Gamma Phi ay ipinagbabawal na ito at inamyendahan na sa kanilang constitution and by-laws.

‘Yun naman pala.

So wala, nang dahilan para magpatawing-tawing pa ang law enforcement agencies para ipatupad na ang anti-hazing law.

Sa bahagi naman ng mga mambabatas, dapat nilang busisiin pa ang batas na ito upang masuri kung anong butas pa mayroon ito na pwedeng lusutan ng mga fraternity na mahilig sa hazing.

WE WILL MISS YOU SEN. MIRIAM SANTIAGO

NAGULAT tayo sa announcement ni Senator Miriam Santiago kahapon nang sabihin niyang mayroon siyang Stage 4 lung cancer.

Sabi nga niya, t’yak daw na matutuwa ang kanyang detractors.

Pero ang higit nating pinanghihinayangan, ‘yung mawawalan ng fiscalizer sa Senado.

Nakagugulat talaga ang panahon …bakit ba hindi ang mga mangungupit sa kabang yaman ng gobyerno ang tamaan ng mga ganyang ‘delubyo.’

Pero hindi pa naman daw dapat masiyahan ang detractors niya.

May pag-asa pa raw siyang gumaling.

D’yan naman tayo bumibilib kay Madam Miriam, masyadong malakas ang kanyang fighting spirit …

Senator, isa ako sa mga naghahangad ng iyong mahabang paglilingkod sa sambayanan.

We’ll pray for your recovery.

Ayon kay Senator Grace Poe
ILLEGAL TOWING WALANG IPINAG-IBA SA CARNAPPING

TARGET ngayon ng Senate Resolution 708 ni Senator Grace Poe ang mga illegal towing companies na walang habas at walang takot sa paghatak-hatak ng mga sasakyan nang walang kaukulang proseso.

Maraming salamat Sen. Grace Poe!

‘Yan ang ipinaabot sa iyo ng mga Manileño.

Ang una sanang tamaan ng inyong Senate Reso, ang walanghiyang RWM Towing sa Maynila na grabe ang abuso at katakawan sa kwarta.

Talaga namang para makarami ng koleksiyon sa maghapon ‘e isinasampa sa loob ng kanilang towing truck ang mga motor.

Mahina ang tubos na P1,500 kada isang motor at kaya nilang isiksik ang apat hanggang limang motor bawat huli …malinis na P6,000 na libo ‘yan.

Madam Senator Grace Poe, sana po ay masampolan agad ang RWM ‘illegal’ Towing Service!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *