Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suspek sa frat hazing sumuko (Tau Gamma Phi nagpaliwanag)

063014 hazing CSB
SUMUKO sa pulisya kahapon ang isa sa mga suspek sa hazing na ikinamatay ng estudyanteng si Guillo Cesar Servando, at kasalukuyan nang isinasailalim sa custodial investigation.

Ngunit sinabi ng Manila Police District, ang suspek ay itu-turnover nila sa Makati City Police.

Sinabi ni MPD spokesman Chief Inspector Erwin Margarejo, ang suspek na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan para sa kanyang seguridad, ay miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity.

“Ina-assess namin ang kanyang participation,” pahayag ni Margarejo.

Gayonman, sinabi ni Margarejo, sinabi ng suspek na naganap ang hazing sa Brgy. Palanan, Makati City.

Kapag naberipikang positibo, dadalhin ng MPD ang suspek sa Makati City Police para roon imbestigahan.

Si Servando, hotel and restaurant management student ng De La Salle-College of St. Benilde, ay binawian ng buhay bunsod ng grabeng pinsala sa katawan makaraan sumailalim sa initiation rites nitong Sabado.

Tatlo pang kapwa neophytes ang nasa masamang kalagayan sa insidente.

Nauna rito, sinabi ng pulisya, biniberipika pa nila ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaking nakunan ng closed-circuit television system ng condominium sa Taft Avenue na kinatagpuan ng mga biktima.

Sinabi ni Margarejo, ang nasabing suspek ay wala sa CCTV video.

TAU GAMMA PHI NAGPALIWANAG

HUGAS-KAMAY ang Tau Gamma Phi Triskelions’ grand  fraternity sa nangyaring hazing rites sa mga estudyante ng College of St. benilde.

Inihayag ni Lorenzo Lapak, tagapagsalita ng Tau Gamma Phi, matagal na nilang ipinatutupad ang “no hazing policy” sa samahan at nakababahala aniya na posibleng may ilang chapter na hindi sumusunod dito.

Aniya, nabulabog sila sa nangyari sa College of St. Benilde.

Dagdag niya, aalamin nila kung totoong mga miyembro ng Tau Gamma ang grupong nagsagawa ng hazing sa grupo ng napatay na si Guillo Cesar Servando.

Hindi aniya karahasan ang adhikain ng Tau Gamma kundi ang kapatiran.

Katunayan, nakasaad aniya sa kanilang constitution and by laws ang laman ng anti-hazing law.

Aniya, nakikiramay ang grupo sa mga biktima ng hazing.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …