Monday , December 23 2024

Lifestyle check kay PAGCor chair Bong Naguiat ngayon na!

00 Bulabugin JSY
APAT na taon na ang nakararaan, ang dating Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chief of the treasury unit noong panahon ni dating paresidente Gloria Macapagal Arroyo, ay nakikitira lang daw sa bahay ng kanyang biyenan sa lalawigan ng Pangasinan.

Nang maglaon, napilitan pa siyang magbitiw sa kanyang posisyon dahil siya ay nahaharap sa mga kasong graft and corrupt practices.

Noon ‘yun … apat na taon na po ang nakararaan.

Ibang iba na ang buhay ngayon ni CRISTINO “Bong” NAGUIAT, Jr., itinalagang PAGCOR chair at chief executive officer (CEO) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Si Naguiat ay kabilang sa mapapalad na kaklase ni Noynoy na kahuntahan, kabarilan at kayosi niya sa tinatawag na ‘kitchen cabinet.’

Mula sa pakiki-SIBI sa kanyang biyenan na si Amadeo Perez, Jr., ng Pangasinan, si Bong Naguiat ay mayroon na umanong limang mansion na ang pinaka-latest ay ang ipinagagawa umanong P100-M mansion sa La Vista.

Bukod d’yan, nagpapalapad na rin umano ng kanyang business empire sa Pangasinan si Naguiat. Mayroon na siyang beach resort, ospital, gasoline stations, fish ponds at limang-ektaryang mangahan sa mga bayan ng Urdaneta at San Fabian.

What the fact!?

Ayon sa kanilang mga kanayon, mula nang umupo bilang PAGCOR chair si Naguiat noong 2010, hindi na matatawaran ang ipinakikitang LIFESTYLE na gaya sa “the rich and the famous” ng pamilya Naguiat.

Bukod d’yan, sinabing ang mga Naguiat ay mayroong hindi mabilang na luxury cars at expensive motorcycles.

Madalas din umanong bumibiyahe sa labas ng bansa at sa mga mamahaling hotel nagtse-check-in at s’yempre shopping galore sa mga high-end signature apparel.

Ganyan na raw po ka-bigtime si Chairman Naguiat.

Anyway, lahat ‘yan ay itinanggi ni Chairman, pero sapat na ba ang pagtanggi lang?!

Sa ganang atin, may malalaking pangangailangan na isailalim sa LIFESTYLE CHECK si Chairman Naguiat …lalo na ngayon na malakas ang panawagan ng ilang Mambabatas na sibakin ‘este’ palitan na siya sa PAGCOR.

Hindi sa 2015 at lalong hindi sa 2016 … dapat NOW na!

PAUMANHIN SA AKRHO

ISANG dating kasabayan na nirerekrut ng Alpha Kappa Rho (AKRHO) sa University of the East (UE) ang nag-text sa inyong lingkod …

Inilinaw niya na hindi AKRHO ang sangkot sa pagkamatay ng De La Salle College of St. Benilde HRM student na si Guillo Cesar Servando, 18 anyos, kundi ang Tau Gamma Phi.

Sa kabila nito, sinang-ayunan niya ang naikolum natin kahapon na mayroong mga dating miyembro ang AKRHO na kapag nagrerekrut noong araw ay nananakot kapag tumanggi sa kanila.

Pero iba na raw ang AKRHO ngayon. Mas nakatutok na sila sa pagseserbisyo sa mga komunidad na nangangailangan ng tulong lalo na nga’t marami sa kanilang mga miyembro at opisyal ay mga professional na at kumbaga ay naging matagumpay naman sa buhay.

Hinihikayat na rin umano nila ang pagtigil ng HAZING bilang bahagi ng initiation rites sa kanilang organisasyon.

Saludo tayo sa AKRHO kung itutuloy-tuloy nila ang ganyang gawain.

Muli, ang ating paumanhin.

BABALA VS FIXERS AT MGA ILEGALISTA SA BOC-NAIA

ISANG babala ang ipinaabot ni Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) District Collector ED MACABEO sa mga fixer at ilang ilegalista na nagtatangkang gumawa ng gimik sa kanyang area of responsibility (AOR).

Ang babala ni District Collector Macabeo ay kaugnay ng atas ni Customs Intelligence chief, Deputy Commissioner Jessie Dellosa.

Nasampolan na nga ni bagong talagang BoC-CIIS NAIA OIC JOEL PINAWIN ang isang fixer na nagtangkang biktimahin ang isang consignee na nagdeklarang ang kanyang kargamento ay personal effects sa isang Customs warehouse sa airport.

Hinihingan ng nasabing fixer ang nasabing consignee ng P50K para mailabas daw ang kanyang kargamento.

Agad nakarating kay DepCom Dellosa ang reklamo at ipinag-utos kay CIIS OIC Pinawin ang isang entrapment operations laban sa nasabing fixer at ‘yun nga SWAK na SWAK ang ilegalista.

Kaagad sinampahan ng kaso ng BoC-ESS NAIA sa ilalim ni ESS Capt. Reggie Tuason ang fixer sa piskalya ng Pasay.

Congratulations Collector Macabeo!

Kudos OIC CIIS-NAIA Pinawin!

Mabuhay po ang tandem ninyong dalawa!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *