Monday , December 23 2024

Isang buhay na naman dahil sa walang kwentang fraternity hazing!

00 Bulabugin JSY
HINDI natin maintindihan ang kultura ng ilang fraternity group … kung kailan tumataas ang kanilang pinag-aralan ‘e saka naman nagiging barbariko ang kanilang paniniwala.

Gaya na naman ng isang kaso ng hazing na ikinamatay ng De La Salle College of St. Benilde HRM student na si Guillo Cesar Servando, 18 anyos.

Si Servando sinabing namatay sa grabeng pambubugbog ng mga kapwa miyembro ng Alpha Kappa Rho (AKRHO) Fraternity sa isang initiation rites habang ang tatlo pa nilang miyembro ay kritikal naman at kasalukuyang naka-confine sa Philippine General Hospital.

Nakita natin ang pinsala kay Servando at sa kanyang mga kasamahan. Ang pangingitim at pamamaga ng mga bahagi ng kanilang katawan na tila walang sawang binalik-balikan ng mga palo ng paddle.

‘Yan ba ang tinatawag n’yong kapatiran!?

Naalala pa ng inyong lingkod noong panahon na tayo’y isang estudyante sa University of the East (UE), hindi lang tayo ilang beses binalik-balikan ng kanilang mga recruiter. Talagang makukulit sila at kapag tinanggihan ‘e iha-harass ka pa.

Kahit kailan, sa aking buhay-akademiko ay hindi ako nakombinsi na sumali sa mga fraternity dahil hindi ako naniniwala na ang pananakit ay magbubunga ng mahigpit na kapatiran sa hanay ng mga kabataang estudyante.

Hindi ba pwedeng maging mahigpit ang kapatiran kung walang pananakit na magaganap?!

Sa totoo lang, noong panahon namin, isa ‘yang AKRHO sa mga kinatatakutang fraternity na mahigpit na kalaban ng Scout Royal Brothers.

Sa aking personal na pananaw, wasto lang na i-BAN sa mga paaralan ang isang fraternity na hindi na naglilingkod sa tunay na layunin nito.

Huwag na natin paramihin ang mga estudyanteng may naghihintay na magandang kinabukasan pero nasasadlak sa kamatayan dahil lamang sa walang kakwenta-kwentang HAZING!

HOW COULD YOU DO THAT, YORME BISTEK!?

KAHIT sino sigurong nakapanood sa TV interview last Sunday kay Ms. Kris Aquino ay madudurog ang puso dahil sa naganap sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista.

Mantakin ninyong matapos paibigin si Kris ‘e bigla na lamang inilaglag in favour of his children?!

Lumabas pa na “kiss & tell” si Bistek sa pag-amin sa naging relasyon nila ni Ms. Kris.

Napakadakila mong ama, Mayor Bistek pero I think you are not a good lover.

Sinaktan mo ang puso ni Kris.

Nagtataka nga tayo kung paano kang nagustuhan ni Kris … ‘e ‘di ba’t ang mga type ni Kris ‘e ‘yung malalaki at matatangkad?

Pero mukhang hindi pa naman tapos ang chapter ninyo … dahil umaasa at may pahabol si Ms. Kris na ‘SOMEDAY’ ‘e magiging friends ulit kayo …

By the way, totoo bang nang mag-MU kayo ni Ms. Kris ‘e ‘yun ‘yung panahon na tumaas nang tumaas ang BUWIS sa KYUSI?!

Just asking Yorme …

ST. THERESE SCHOOL SA PLAINVIEW SUBD., MANDALUYONG CITY MARUMI ANG WAITING AREA, WALANG CR AT ELECTRIC FANS PARA SA PARENTS/GUARDIANS (ATTENTION: MAYOR BENHUR ABALOS)

PAGING Mandaluyong St. Therese Private School management!

Nananawagan po ang mga magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak sa inyong eskwelahan na napakamahal umano ng tuition fee pero kulang sa serbisyo.

Reklamo ng mga magulang, mga yaya at mga lola ng mga batang nag-aaral sa St. Therese Private School sa 720 Sgt. Bumatay St., Plainview Subd., Mandaluyong City napakarumi ng inyong waiting area, hindi pwedeng gumamit ng comfort rooms at wala rin electric fan man lang.

Ang mga batang nag-aaral d’yan ay edad 3 hanggang 5-anyos na bata, nursery and kindergarten, kaya mahigpit talaga ang pangangailangan na maghintay ang mga bantay.

Umaabot lamang sa dalawang oras (11:00 a.m. – 1:00 p.m.) ang klase ng mga bata kaya hindi na umaalis ang mga bantay.

Ang siste, bawal umihi ang mga bantay/yaya sa toilet ng school at walang toilet sa waiting area.

May nakasulat pa na bago maghatid sa mga bata umihi na sa mga bahay nila.

Anak ng pusa naman!!!

‘E pano kung emergency ang call of nature?

Sa pantalon na dudumi o iihi na lang sa tabi-tabi?

Wala rin electric fan man lang! Napakarumi rin ng waiting area. May dumi ng daga sa garahe at amoy ihi rin ng daga!

Napag-alaman din na ang nasabing paaralan ay ini-convert lang mula sa dating residential. Walang malinaw na blue print o plano kung ano ang istura ng building. Kaya nagtataka ang parents/guardians kung bakit naaprub na maging eskwelahan ‘yan.

Alam kaya ‘yan ng Mandaluyong City permit department o ni Mayor Benhur Abalos ang poblema ng mga mag-aaral at magulang d’yan sa St. Therese private school?

Napakamahal pa naman ng bayad sa school kaya hindi na sila makaatras para i-pull-out ang kanilang mga anak dahil umpisa na nga ng klase.

Paging Mandaluyong City government!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *