Saturday , January 11 2025

Daan-daan milyong piso PCSO advertisements dapat imbestigahan na!

00 Bulabugin JSY

ISA tayo sa mga naniniwala na dapat nang itigil ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang mga paid advertisements na umaabot sa milyon-milyong piso sa mga d’yaryo, radio at telebisyon.

Imbes ilaan sa advertisements, mas mabuti pang ilaan ng PCSO ang daan-daan milyong pisong pondo nila sa iba pang social services na hindi napagtutuunan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Lalo na nga’t pinaghaharian lang daw ng isang alyas JENNY ‘yang advertisement sa PCSO.

Mukhang siya lang at kanyang mga kasabwat ang malaki ang nararaket (komisyon) sa pondong ‘yan!?

Kung maraming maralita ang hirap na hirap at nagkakaroon lang ng pagkakataon na makakita ng doctor at ospital sa panahon na kailangan na kailangan na nila, marami rin mga bata ang edad 9-anyos na pero hindi pa marunong magbasa at sumulat dahil hindi nakatutuntong sa paaralan.

Marami rin mga average high school graduates ang hindi nakapag-aaral sa kolehiyo dahil hindi sila makapasa sa mga scholarship program na pagkatataas ng hinihinging average.

‘E kung tutuusin, ang matatalino rito sa ating bansa ay ‘yung mayroong mga magulang na kaya rin silang pag-aralin sa kolehiyo.

Marami rin institusyon ang pinag-aagawan sila, dahil ang hinahanap nga nila ay matatalino.

‘E paano nga naman ‘yung mga maralita na average at below average?

Higit sa lahat, sila ang nangangailangan ng tulong para magkaroon naman sila ng pagkakataong umangat ang buhay.

Mantakin n’yo sa isang radio station mula sign in to sign out ng estasyon ay sandamakmak ang PCSO ads nila!

Mas makabubuti siguro na d’yan ilaan ng PCSO ang pondong inilalaan nila para sa advertisements.

Sa pamamagitan n’yan, hindi masasayang ang pondo, marami pang mapaaaral ang gobyerno.

Ano sa palagay ninyo PCSO Officer-In-Charge Joy Roxas?!

TANDEM GWANSON-SORNAKNAK NG MPD PINALALARGA NA ANG 1602/VICES SA MAYNILA?!

PUTOK na putok rin ngayon ang TANDEM nina alias GWANSON-SORNAKNAK sa Manila Police District dahil sa lakas ng loob nila na magbigay ng GO SIGNAL sa mga gambling lord para buksan na at mag-operate ng 1602 sa lungsod.

Si alias Gwanson at Sornaknak ay binansagan ng mga taga-MPD HQ na miyembro ng “SPECIAL ORBIT UNIT” dahil puro lang ikot, pitsaan at bangketa ang lakad.

Sandamakmak ang ipinangongolektong na kotong-cop-in-tandem para raw sa MPD HQ, DSOU, STG STU at STF.

Pesteng yawa!!!

MPD DD Gen. Rolando Asuncion, what’s really happening in your turf!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *