WALANG kinalaman ang Palasyo sa disqualification case sa Supreme Court na mistulang multong kinatatakutan ni ousted president, convicted plunderer at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.
Ito ang bwelta ng Malacañang sa akusasyon ni Estrada na ang Palasyo ang nasa likod ng kinakaharap niyang disqualification case at nagbabala na lalaban kapag pinatalsik muli sa pwesto.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nakabinbin pa sa Korte Suprema ang disqualification laban kay Estrada at walang nakaaalam kung ano ang magiging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman.
“As far as we know, the case is still pending before the Supreme Court and we have not heard of anything — nobody has reported and nobody can even bothered — can even report on what the goings-on inside the Supreme Court is,” ani Lacierda.
Giit niya, hindi alam ng Palasyo kung ano ang basehan ng mga alegasyon ni Estrada dahil laging nakadistansya ang Malacañang sa Korte Suprema.
Tiniyak ni Lacierda kay Estrada na walang plano ang Palasyo na tanggalin siya.
(ROSE NOVENARIO)