Tuesday , November 5 2024

RoS, Alaska unahan sa 2-1

UNAHAN sa 2-1 ang pakay ng Rain Or Shine at Alaska Milk na muling magkikita sa Game Three ng PLDT Home Telpad PBA Governors Cup best-of-five semifinal round mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Tinalo ng Elasto Painters ang Aces, 99-87 sa Game Two noong Linggo sa kabila ng pagkawala ni Gabe Norwood upang maitabla ang serye, 1-all. Ang Aces ay nanaig sa Game One.

Matapos na makalamang ang Alaska Milk, 21-17 sa first quarter ay dinomina na ng Rain Or Shine ang laro. Nakaabante ang Elasto Painters, 50-38 sa halftime bago nagposte ng 26-puntos na kalamangan, 71-45, 6:11 ang nalalabi sa third quarter.

“Everyboy just stepped up for Gabe. We’re buying some time to make him well,” ani Rain Or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao.

Si Norwood ay natapilok sa dulo ng Game One. Ayon sa therapist ng Rain Or Shine ay Grade Two sprain ang sinapit ni Norwood sa kanyang kanang paa at baka abutin ng sampu hanggang 14 araw bago tuluyang gumaling. Subalit umaasa si Guiao na makakabalik agad ito.

Si Arizona Reid ay nagtala ng 27 puntos para sa Rain Or Shine. Nag-ambag ng 21 si Paul Lee, 18 si Jeff Chan at 10 si Chris Tiu.

“Everybody made their contributions. We just wanted it more than them (Alaska). Hopefully, we can keep that desire,” dagdag ni Guiao.

Tumindi din ang depensa ng Elasto Painters partikular na nina Jireh Ibanez at Beau Belga kay Alaska Milk import Henry Walker. Napikon pa nga si Walker at natawagan ng flagrant foul Penalty One sa umpisa ng third quarter matapos na sugurin sa likuran si Belga.

“I felt that the referees were lenient on Walker because that should have been an ejection foul instead. That wan’t part of play,” ani Guiao.

Ayon kay Alaska Milk coach Alex Compton ay kailangang hindi indahin ng Aces ang pisikalidad dahil bahagi iyon ng laro. “We just have to find a way to get back at Rain or Shine and get the initiative back.”

Nagpakitang-gilas para sa Alaska Milk si Vic Manuel na siyang nanumo sa Aces nang gumawa siya ng 22 puntos. Nagtala rin siya ng 14 sa Game One.

Ang ibang inaasahan ni Compton ay sina Joaquim Thoss, Calvin Abueva, Gabby Espinas, Cyrus Baguio at JVee Casio. (SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *