Saturday , November 23 2024

‘Tsubibo Gang’ rumaraket sa Bureau of Immigration

00 Bulabugin JSY

NASASALISIHAN na raw ng ‘tsubibo gang’ ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa korupsiyon gaya d’yan sa Bureau of Immigration (BI).

Nabuhay na naman kasi ang ‘tsubibo gang’ na dating namamayagpag noong panahon ni dating Justice Secretary Raul Gonzales sa BI na nagpapatuloy hanggang ngayon.

Sa impormasyon na nakaabot sa inyong lingkod, ‘yang ‘tsubibo gang’ ay kasabwat ang isang tinaguriang “The Law Firm” ay muli na namang nagwasiwas ng kanilang ‘galing sa pagpapaikot’ at sa pagkakataong ito ay laban sa kanilang dating kliyente na kilala at inirerespetong Korean businessman.

Ang nasabing Korean businessman ay nakalinya sa importation ng Korean goods and beverage at napilitang kunin ang serbisyo ng The Law Firm, sa napakamahal na retainers fee.

Matapos matuklasan na malaki ang kinikita ng kliyente nilang Koreano nagtayo ang ‘The Law Firm’ ng kaparehong line of business kasosyo ang ilang Koreano bilang financiers at nakipagkompetensiya sa kanilang kliyente.

Pagkatapos ay tuluyan nilang inabandona ang kanilang kliyente.

Hindi pa nakontento, nitong April 7 (2014), nagsampa sila ng isang deportation complaint sa kanilang dating kliyente.

Bilang dating abogado, normal na nasa kanila ang mga dokumento at confidential information laban sa kanilang Korean client, na dapat ay pinanghahawakan ng kanyang mga abogado sa ilalim ng “ lawyer’s-Client” relationship.

Gayonman, ang kaso ay isinalang sa preliminary investigation ng isang Immigration lawyer na sangkot naman sa deportation schemes ng mga Koreano na akusado sa drug trafficking upang makaligtas sa prosekusyon.

Gaya ng inaasahan, ang Korean businessman ay sinampahan ng kaso ng BI Legal Division for violation of Immigration laws.

Noong Mayo 26 (2014), naglabas ang BI ng Mission Order laban sa Korean businessman pero dahil alam ng “few good men” sa BI Intelligence Division, ang layunin ng pagsasampa ng kaso at operation ng “The Law Firm,” hindi nila inihain ang mission order at sinabing ang kaso ay nasa hurisdikdiyon na ng BI Board of Special Inquiry (BSI).

Nabatid na nitong Hunyo 05 (2014) mayroon ng rekomendasyon para sa approval ng Immigration Board of Commissioners.

Ang tanong: bakit napakabilis naman ng desisyon ng nasabing kaso at tila walang due process na ibinigay sa Koreano na biktima ng kanyang dating abogado?

Wala bang kinalaman ang kasalukuyang Justice Secretary sa ganitong uri ng karumal-dumal na operation?

Sa mga dokumentong nakalap, nitong May 19 (2014), nag-isyu si DOJ Secretary Leila De Lima ng Memorandum kay BI Commissioner Siegred Mison na nagtatanong sa “status” ng deportation complaint laban sa Korean businessman.

Kaya naman nagmistula itong “go signal” sa ‘tsubibo gang’ para ituloy ang kanilang operasyon.

Pero nakapagtataka kung bakit hindi tinanong ni Sec. De Lima ang National Bureau of Investigation (NBI) sa status ng Warrant of Arrest na inisyu ni Associate Justice Antonio Carpio ng Supreme Court laban sa isa sa mga abogadong nagrereklamo.

Ang nasabing warrant of arrest ay espesipikong naka-address sa NBI for implementation.

Natuklasan din na ang nasabing complainant lawyer ay may pending warrant of arrest sa kasong swindling/estafa na ipinalabas ng Quezon City RTC Branch—219.

Isang malaking sindikato ang nakatakdang mabuyangyang kay Pangulong Noynoy sa kasong ito ng ‘tsubibo gang.’

Abangan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *