Sunday , December 22 2024

Illegal black sand mining, tinuldukan ng DENR-MGB Region3

KAPURI-PURI ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Region 3 sa pagtiyak na matitigil na ang mga ilegal na pagmimina ng ilang kompanya sa Zambales.

Noong Mayo 22, iniulat ng kolum na ito ang tungkol sa itinakdang inspeksiyon nang linggong iyon ng isang grupo mula sa MGB Region 3 sa mga operasyon ng black sand (magnetite) mi-ning sa Zambales. Ang “visit” ay upang siguruhing tumalima ang mga indibiduwal at mga kom-panyang inisyuhan ng mga cease-and-desist order (CDO).

Noong Mayo 27 ay naglabas ang MGB Region 3 ng post inspection report, tinukoy na inihinto na ang karamihan sa minahan ng black sand sa mga bayan ng San Marcelino, San Felipe at Botolan sa Zambales.

Tinukoy ng mga inspektor ng MGB—sina Geodetic Engineer Baldwin M. Peneyra at Senior Environment Management Specialist Fermin S. Pasos Jr. III—sa kanilang report na natuklasan sa isinagawa nilang field work mula Mayo 22 hanggang 24 na sarado na ang mga operasyon ng black sand mining.

Ayon sa report, itinigil na ang pagmimina sa San Marcelino ng mga operator na sina Rolly D. Granada ng RD Granada Enterprises, Danilo Mangaoang ng X-Trade Corporation, Adela C. Merza ng First Top Win International Inc., Marie Dee Velagan ng BELMAG, Jayson Florida ng South Sino Mineral Resources Inc., Eduardo Lopez ng Barangay San Rafael, at Dong Lee/ Dominga Escala ng Woonam Moolsan Corporation.

Tinukoy din sa report na walang pagmimina sa Maloma River sa Barangay Maloma sa San Felipe, pero hindi naman binanggit kung may kom-panyang dating nagmimina sa lugar.

Sa Botolan, ininspeksiyon ng mga taga-MGB ang kahabaan ng Bucao River mula sa foot bridge sa Olongapo – Sta. Cruz Highway hanggang sa pinakadulo ng Bucao dikes. Wala ni isa mang nagmimina ng black sand.

Binisita rin nila ang mga processing plant na inisyuhan ng mga CDO at nakumpirmang tigil-operasyon na rin ang mga ito. Ito ang Bluemax Tradelink Inc. na pinangangasiwaan ni Clark Zapata, ang mga kompanya nina April Pineda / Joey Tan, Veronica Dizon / Mr. Qui, at Emmanuel Ledesma.

Kasabay nito, sinulatan ng mga inspektor sina Mr. Zapata at Mr. Ledesma, at inobliga silang gibain ang kani-kanilang processing plant sa loob ng 30 araw matapos matanggap ang sulat.

Nabanggit din ng mga espiya ko na wala na maging ang dambuhalang barko na dating nagkakarga ng magnetite para mag-deliver sa ibang bansa.

Dahil dito, sinasaluduhan ng Firing Line sina Attorney Danilo Uykieng, Officer-in-Charge ng DENR Region 3; Engineer Rey Cruz, Officer-in-Charge ng Mine Management Division ng MGB 3; at ang mga inspector niya—sina Peneyra at Pasos—dahil sa matagumpay nilang pagtugon sa reklamo ng mga residente.

Kompiyansa rin ang kolum na ito na manana-tili silang nakasubaybay sa pagsasagawa ng mga regular field inspection. At para sa mga walang pagod at buong giting ang pagsisikap na protektahan ang kalikasan at labanan ang ilegal na pagmimina at smuggling, umasa kayong kakampi n’yo ang kolum na ito.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robet B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *