Monday , December 23 2024

Ang naiwang ‘pamana’ ni ex-Gov. ER Ejercito sa Lalawigan ng Laguna

00 Bulabugin JSY
NAGULAT tayo nang malaman natin na ‘malaki-laki’ rin pala ang ‘naiwang pamana’ ni dating Gov. ER Ejercito sa lalawigan ng Laguna …

‘Yun nga lang, pamanang UTANG na umaabot sa P2 bilyones.

Sabi nga ni Gov. Ramil Hernandez sa isang TV interview, anim (6) na taon na ang nakararaan ‘e, halos P500 milyones lang ang kanilang utang.

Kaya naman nagtataka sila kung bakit lumobo at umabot ng P2 bilyon ang utang ng Laguna.

‘E saan mo nga ba dinala, Asiong longganisa ‘este’ Salonga, ‘yung P2 bilyones na ‘yan ng sambayanang Laguneño?

Kaya ngayon ang magsasakripisyo ang mga tunay na taga-Laguna.

Ayon kay Gov. Ramil Hernandez, mandatory kasi na 20 percent ng kanilang annual budget ‘e ilaan sa debt servicing …kaya naman maoobliga siyang bawasan ang budget para sa infrastructure projects dahil malaki ang pangangailangan na magtuon siya sa public services (health and education).

Gayon man, positibong umaasa si Gov. Ramil na unti-unti nilang maiaahon ang Laguna sa pagkakabaon sa utang.

D’yan tayo bilib kay Laguna Gov. Ramil, nakapokus agad siya sa trabaho at wala sa kanyang bokabularyo ang pakikipag-away at paninisi.

Umaasa rin si Gov. Ramil na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng iba pang opisyal sa lalawigan ng Laguna ay maisasaayos nila ang mga prioridad na proyekto.

Go, Laguna Governor Ramil Hernandez!

BENETTON BA SI VP JEJOMAR BINAY?

Marami ang nagtatanong kung anong ‘kulay’ raw ba talaga si Vice President Jejomar Binay.

Aba, sa tingin ko maitim siya. Hindi ko alam kung mayroon pa siyang ibang kulay na naitatago ng kanyang kasuotan.

Marami rin nga ang nag-isip kung anong kulay ba siya talaga, matapos ang pagbubunyag na ginawa ni Caloocan City Congressman Egay Erice.

Oo nga naman … oposisyon nga ba siya? O administrasyon?

Marami kasi ang ninenerbiyos kay VP Binay dahil maraming nakakakilala sa kanya na mahigpit na kaalyado ng mga Aquino.

Mula kay Ninoy hanggang kay Tita Cory alam ng lahat na mahigpit ang alyansa ng dalawang pamilya.

Kaya hindi sila nagtataka kung bakit hindi umano inuupakan ni Binay ang administrasyon gayong siya nga naman ay kilalang oposisyon.

D’yan lalong kinakabahan si SILG Mar Roxas …

Anyway, marami ang nagtataka, naghihintay at nag-aabang kung kailan maglaladlad ng kanyang tunay na kulay si Binay …

Pansamantala, gusto muna niyang maging Benetton!?

OVER VIP TREATMENT SA MGA ‘SINDIKATONG’ MANUNUGAL SA NAIA DAPAT NANG KONTROLIN AT TIGILAN!

MARAMI na ang nakapapansin sa hindi wastong pagpapa-VIP sa mga dayuhang manunugal ‘kuno’ na nagpupunta sa ating bansa.

Totoong sila ay mga turista pero hindi tayo naniniwalang nagpapasok sila ng malaking halaga ng dolyares sa ating bansa.

Mas totoo pang sabihin na pumapasok sila sa bansa na laway ang puhunan. Uutang sa banko ng Casino para magsugal at lahat ng kanilang panalo ay ilalabas rin nila sa ating bansa para roon i-invest sa kanilang bansa.

Karamihan sa mga gumagawa nito ay mga dubious character mula Korea at China.

Maraming intelligence report na ang mga dayuhang ‘yan ay sangkot sa manufacturing at proliferation ng illegal drugs gaya ng poor man’s cocaine na shabu.

Dumarating sila sa ating bansa na madalas ay sakay ng chartered flight o private plane. Sinasalubong sila na parang “Head of State” sa airport.

Pupunta ang Immigration supervisor or officer kung saang hangar naroon ang charter flight at doon pa tatatakan ang kanilang mga passport.

Hindi ba’t OVER VIP naman ang ganyang trato?!

Nito ngang nakaraan, may nabisto pang peke ang arrival stamp sa passport ng ilang foreign Casino player ng Solaire Casino.

So, ibig sabihin, hindi makabubuti sa seguridad ng bansa ang over VIP treatment sa mga foreign Casino player.

Karamihan kasi sa mga gumagamit nang ganyang over VIP treatment ay mayroong hidden agenda.

Maaaring sila ay wanted o may kinakaharap na kaso sa kanilang bansa at dito magtatago sa Philippines my Philippines.

Napatunayan na ‘yan sa dami ng pugante na nakapasok sa ating bansa.

Kung casino player lang naman ‘e di dumaan sila sa normal na proseso sa Immigration. Paraanin sila sa special lane tutal naman ay sinusundo sila ng casino host kung saan sila billeted.

Immigration Commissioner Fred Mison Sir, pwede bang rebisahin mo ang patakaran hinggil d’yan sa mga charter flight ng mga dayuhan lalo na kung hindi naman diplomatic relationship ang pakay?!

Sa ibang bansa kahit na ikaw ay VIP o celebrity ay obligado na dumaan ka sa normal process sa Immigration.

Para naman maiwasan na ang paglusot sa bansa ng mga dayuhang may dubious characters.

‘Yun lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *