Saturday , November 23 2024

Mga bagong opisyal ng KDJM at si Jockey Zarate

MAY bago ng pangulo ang Klub Don Juan de Manila (KDJM) sa katauhan ni dating Tarlac congressman Jeci Lapus noong nakaraang general membership meetings ng grupo noong nakaraang Biyernes sa Metyro Turf Exclusive OTB sa Mandaluyong City.

Dalawang sunod na taon ang magiging termino ni Congressman Lapus tulad ng kanyang pinalitan na si Tony Boy Eleazar.

Tatlong bise president hinirang at ito ay sina Jun Jun Molina, Bay Coching at Manny Santos na mamahala sa racing.

Ang mga bagong pang set ng officers ay sina: Cesar Avila bilang treasurer; Atty, Ruskin Principe bilang corporate secretary; ang mga bagong directors na sina Eddie Gonzalez, Ding Pangilinan, Nap Magno, Arlene Chua, Kenneth Causon, John Joseph Lagasca, Joe Arceo, Alvin Ferreras at Che Borromeo.

CONGRATULATIONS PO SA INYO!

oOo

Bumalik na kaya ang buti ni Class A jockey J.T. Zarate, May ilang din siyang sakay noong mga nakaraang karera na hindi niya nahatid sa finish line.

Noong nakaraang Biyernes, May 30 sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park naipanalo niya ang una niyang panalo simula ng siyang ay bumalik sa pesta.

Malakas na remate ang ginawa niya sa kabayong si Little Ms. Hot Shot na pag-aari ni B.P. Niles III bagong sumapit ang finish line.

Sana jockey Zarate tuloy-tuloy na ang buti mo sa pag-rerenda ng mga sakay mo.

MABUHAY KA!

oOo

Masama ang nagging kapalaran ni Class C jockey F.A. Tuason noong nakaraang karera sa San Lazaro Leisure Park, Mayo 30, 2014 araw ng Biyernes.

Kitang-kita na pinigil ni Jockey Tuason ang kanyang nirendahan na Red Cloud bago sumapit sa finish line.

Hindi interesadong ipanalo ni jockey ang kanyang sakay kaya niya ito pinigil.

Naparusahan ng ISANG TAONG suspensiyon ang ipinataw ng mga Board of Stewards ng San Lazaro Leisure Park.

Sa mga Board of Stewards ng tatlong karerahan dito sa ating bansa sana ay laging MATALAS ang inyong mga mata sa mga hinete na madalas gumawa ng katarantaduhan sa kanilang mga sakay sa araw na may karera.

TRABAHO LANG HO SIR, WALANG PERSONALAN!

oOo

Malaki ang pinabago ng Lungsod ng Maynila sa MATA NG MGA SENIOR CITIZEN.

Dati-rati ay wala ka daw makikita na mga pampasaherong jeep sa tabi ng bangketa habang naghihintay ng sasakay.

Dati-rati ay wala ka rin daw na makikita na mga MOTORSIKLO nakaparada sa mga main street.

Dati-rati ay wala daw mga VENDORS sa tabi ng mga kalye.

BAKIT NAGING GANITO ANG MAYNILA!?

oOo

HINAY-HINAY lang po ang pagtaya sa mga nagiging OUTSTANDING FAVORITE na kabayo. Lahat po na kasali sa bawat bibitawan karera ay laban ang mga kabayo.

Ma gtira po tayo para sa ating mga ANAK na papasok sa pabubukas ng pasukan.

TIPID TIPID LANG PO KUNG MAY TIME!

oOo

Noong linggo, Hunyo 8, 2014 ipinakita ni jockey Jeffril T. Zarate na bumalik ang kanyang buti sa pagrerenda sa ibabaw ng kabayo.

Naipanalo niya ang kanyang sakay na si CRUSIS sa 2014 Philracom 3rd Leg Imported/Local Challenge Race sa karerahan ng Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

Tinalo niya ang mahigpit niya kalaban na si Strong Champion ng dumating lang ng pang-apat sa finish line.

Tumataginting ng P300,000 ang tinanggap na premyo ng may-ari kay Crusis na si Ginoong Marlon S. Cunanan.

Congratulation po Mr. Marlon S. Cunanan

ni FREDDIE M.

MAÑALAC

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *