Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacquiao head coach ng Kia motors

PORMAL na hinirang ng expansion team na Kia Motors ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao bilang head coach para sa unang kampanya nito sa Philippine Basketball Association simula sa Oktubre.

Ito ang opisyal na pahayag ng pangulo ng Columbian Autocars, Inc. na si Ginia Domingo sa press conference ng Kia kahapon sa Makati.

“Kailangan kong mapatunayan, di lamang sa boxing, kundi sa basketball ang aking gilas,” wika ni Pacquiao sa harap ng mga manunulat sa nasabing press conference.

Ngunit ayaw muna sabihin ni Pacquiao kung lalaro pa rin siya para sa Kia.

“Yung paglalaro, hindi ko pa alam yan. Ang focus ko ngayon ay yung pagco-coach,” ani Pacquiao.

Iginiit din ni Pacquiao na may karanasan na siya bilang playing coach noon nang siya’y naging team owner ng MP Gensan Warriors sa nabuwag na Liga Pilipinas.

Inaayos na ni Pacquiao ang magiging coaching staff niya sa Kia at inaasahang kukunin niya ang serbisyo ni Glenn Capacio bilang isa sa mga assistant coaches niya.

Si Capacio ay assistant coach ngayon ni Pido Jarencio sa Globalport.

Dumalo rin sa presscon ni Pacquiao si PBA Commissioner Chito Salud at ilang mga miyembro ng PBA Board of Governors.

Matatandaan na sinabi ni Salud na kailangang dumaan si Pacquiao sa rookie draft kung gusto talaga siyang maglaro sa PBA o maging playing coach man lang.

“Sa basketball strategy ang kailangan. Time management lang iyan,” dagdag ni Pacquiao.

Bukod sa Kia, kasama rin bilang mga expansion teams ng PBA sa susunod na season ang North Luzon Expressway at Blackwater Sports na parehong galing sa PBA D League. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …