Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barako may bagong import

PINALITAN na ng Barako Bull ang import na si Eric Wise at nandito na sa bansa ang kanyang kapalit upang maisalba ang Energy Colas sa PBA Governors Cup.

Kinuha ng Barako si Allen Durham, isang 6-5 na forward mula sa Grace Bible College at kagagaling lang mula sa CS Dinamo Bucuresti, isang komersiyal na koponan mula sa Romania.

Si Durham ay dapat sanang import ng Air21 ngayong torneo ngunit dahil sa kanyang kontrata sa Romania ay si Dominique Sutton na lang ang kinuha.

Nagdesisyon ang coaching staff na palitan si Wise dahil sa 1-5 na karta nito katabla ang Meralco at Globalport.

Sa huling laro ni Wise noong Martes ay nalimitahan siya sa 16 puntos nang natalo ang Barako kontra Barangay Ginebra San Miguel, 98-70.

Sasabak na si Durham, kasama ang dalawang baguhang sina Nico Salva at Bonbon Custodio mula sa Globalport, para sa Barako kontra Batang Pier mamaya sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …