Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aces bumawi ng galit sa San Mig

IBINUHOS ng Alaska Milk Aces ang kanilang galit sa defending champions San Mig Super Coffee Mixers matapos higupin ang 93-84 panalo ng una sa nagaganap na PLDT Home TelPad PBA Governors Cup eliminations sa Cuneta Astrodome sa Pasay City Biyernes ng gabi.

Bago ang laban ng Aces sa Mixers, lumasap muna ito ng malaking kahihiyan dahil natalo sila sa Rain or Shine Elasto Painters ng 51 puntos, 72-123 noong Miyerkoles ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig .

Umarangkada ng 32 puntos, 13 rebounds at anim na assists si import William Henry Walker upang iangat ang Alaska sa 3-4 win-loss card.

Nagkaroon ng malaking tsansa ang Alaska na makakuha ng puwesto sa top four para mabiyayaan ng twice-to-beat sa last eight.

Napatid ang three-game winning streak ng Mixers kaya naantala ang pagkopo nila para sa second quarterfinals slot.

Kasalo ng San Mig ang Air21 Express at San Miguel Beermen sa third to fifth place tangan ang tig 4-2 baraha.

Ayon kay rookie coach Alex Compton, ipinakita ng kanyang mga bata ang gusto niyang mangyari sa court kaya naman medyo nahimasmasan ito sa kalbaryong nalasap sa RoS.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …