Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Harris balik-TNT

NAGDAGDAG ang San Mig Super Coffee ng dalawa pang mga bagong manlalaro sa pamamagitan ng trade para palakasin ang tsansa nitong makuha ang Grand Slam ngayong PBA Governors Cup.

Nakuha ng Coffee Mixers ang serbisyo nina Ronnie Matias at Yousef Taha mula sa Globalport kapalit nina Val Acuna at Yancy de Ocampo.

Inilipat naman ng Batang Pier sina Nico Salva at Bonbon Custodio patungong Barako Bull kapalit ni Ronjay Buenafe at isang second round draft pick.

Inaasahang lalaro na sina Matias at Taha para sa San Mig kontra Alaska bukas samantalang sasabak na sa Globalport sina Buenafe, De Ocampo at Acuna kontra Talk n Text na lalarga rin bukas din.

Lalaro na rin sina Salva at Custodio para sa Barako kontra Globalport sa Linggo sa Binan, Laguna.

Samantala, sinibak na ng TNT si Rodney Carney bilang import at kinuha ni coach Norman Black si Paul Harris bilang kapalit.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …