Saturday , May 3 2025

Ordanes tunay na mayor ng Aliaga — Cabanatuan judge

IDINEKLARANG tunay na nanalong mayor ng munisipalidad ng Aliaga, Nueva Ecija si Reynaldo Ordanes ng Cabanatuan Regional Trial Court sa sala ni Judge Virgilio Caballero nitong Mayo 28, (2014).

Sa kanyang desisyon, idineklara ni Caballero na ang tunay na nanalong mayor ng Aliaga ay si Ordanes at hindi si Elizabeth Vargas na unang naideklara noong nakaraan halalan ng taon 2013.

Kinatigan ni Caballero ang protestang inihain ng kampo ni Ordones na siyang nagtulak ng ‘recount’ o muling pagbilang ng mga boto.

Lumalabas na noong 2013 naideklara si Vargas na may botong 11,477 samantala si Ordanes ay nagkamit ng 11,413 boto na nagbigay ng panalo kay Vargas na may kalamangang 64 na boto.

Pero sa isinagawang “recount” nakita sa labing tatlong (13) “clustered precincts” o presinto, si Vargas ay dapat bawasan ng tatlong (3) boto dahilan upang mabawasan ang kanyang kalamangan na 64 boto kaya’t naging 61 na lamang ang kanyang kalamangan kay Ordanes.

Dagdag ni Caballero, 72 boto ay dapat din ibilang kay Ordanes na may 11,413 na kung susumahin ay dapat maging 11,485 at kung isasama pa ang tatlong botong ibinawas kay Vargas lumalabas na labing isang (11) boto ang magiging kalamangan ni Ordanes sa katunggali.

Idineklara ni Caballero sa pagtapos ng muling pagbibilang na si Ordanes ang tunay na nagwaging mayor noong May 13, 2013 halalan at dapat lamang maupo bilang tunay na halal ng bayan.

Ang desisyon ni Caballero ay inaasahang isasakatuparan sa susunod na Hunyo 6, matapos maghain ang kampo ni Ordanes ng mosyon para isakatuparan ang deklarasyon.

Inaasahan din sa Hunyo 6, na ang Department of Interior and Local Goverment (DILG at ang Commission on Elections (Comelec) ay ipag-uutos ang pagbaba sa pwesto ni Vargas. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Makato Aklan

Barangay leaders sa Aklan naghain ng DQ vs vote buying

DALAWANG barangay captain mula Makato, Aklan ang naghain ng petition for disqualification sa Commission on …

3-araw Graffiti Mural Arts Festival tagumpay sa Taguig

3-araw ‘Graffiti Mural Arts Festival’ tagumpay sa Taguig

MATAGUMPAY na nairaos ng lungsod ng Taguig ang ikatlong taon ng Meeting of Styles (MOS) …

050125 Hataw Frontpage

Cagayan De Oro Mayor Klarex Uy kinuwestiyon sa P330-M cash advances

HATAW News Team ‘UNDER HOT WATER’ si Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy matapos ireklamo …

Bong Revilla

Bong Revilla nakipamuhay sa Mindanao panalo tiniyak sa makasaysayang baluwarte

SA LOOB ng dalawang linggo bago ang midterm elections ngayong Mayo 2025, muling pinatunayan ni …

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *