Friday , January 10 2025

Palit-ulo, palit-ngalan sa mga dinampot na personnel ni 1602 Simbulan (Attn: MPD DD Gen. Rolando Asuncion)

00 Bulabugin JSY

AKALA natin nagtagumpay ang pagpapasalakay ni Manila Police District director, Chief Supt. Rolando Asuncion, sa isang butas ni Boy Abang sa kanto ng Sevilla at Concha streets, na sinabing bahay ng pamangkin na si PO3 Rolando Simbulan, nakatalaga sa NCRPO-RPHAU.

Kung hindi tayo nagkakamali, inutusan ni DD Asuncion ang MPD – General Assignment Investigation Section (GAIS) para sa nasabing anti-gambling operation.

May kwento pang ini-hostage ang apat na pulis ng GAIS. Tapos may nahuling limang (5) personnel kuno na sinampahan na raw ng kaso.

Pero sa totoo lang, ilang insider ang nagsasabi sa atin na nagkaroon ng PALIT-ULO.

Ano po ang ibig sabihin ng palit-ulo?

‘Yung mga nahuli pong personnel ay pinawalan at pinalitan ng ibang tao.

At ‘yung mga ipinalit na tao na nakakulong, binabayaran ng P400 kada araw ng kanilang pagkakakulong, bukod pa sa rasyong pagkain.

Bakit naman sila pumapayag sa PALIT-ULO?

Kasi po hindi naman talaga ‘yung tunay na pangalan nila ang ginagamit. Mga imbentong pangalan din po ‘yun.

Sa report po na inilabas ng GAIS, sinabi nilang ang ang mga nadampot ay isang Victorino Alvaro, 62; Pedro Sigura, 56; Danilo Rugano, 57; Rey Badocdoc, 44; at Rey Modrigo, 24.

Pero sa retrato pong ipinakita natin sa ating source, kinilala niya ang tatlo sa lima na isang Romy Tattoo, isang barangay tanod; Orly Paculan alyas Lupog at Rey Valenzuela alyas Bangus, pawang barangay tanod naman sa Barangay 72, Zone 6.

Ano ba talaga ang tunay na kwento, MPD-GAIS chief, C/Insp. Arsenio Riparip, Sir?!

Gen. Asuncion Sir, isinusulat ko po ito hindi para siraan ang mga pulis ninyo kundi para tawagin ang inyong pansin na i-double check ang identities ng mga tao/personnel na sinabing hanggang ngayon ay nakakulong pa rin d’yan sa GAIS.

Kung hindi po ninyo bubusisiin ‘yan ay hindi ninyo matutuklasan na ‘drawing’ lang pala ‘yang ‘raid’ na ‘yan sa isang butas ng lotteng, EZ2 at bookies ni Boy Abang.

Malamang ‘e napagtatawanan pa kayo ngayon at tinatawag-tawag na engot ng kung sino man ang may pakana kung paano nagkaroon ng PALIT-ULO/NGALAN sa operasyon na ‘yan.

Busisiin ninyong mabuti, GEN ASUNCION!

PCSO CHAIRMANSHIP PINUPUTAKTE NG MGA OPISYAL NA “TAMBAY” SA PALASYO?

KAHAPON mayroong kumalat na text blast.

‘Yung tipong ini-endoso ang isang RISA or BEM daw para sa Chairmanship ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kapalit ng nagbitiw na si Madam Margie Juico.

Unang lumutang ang pangalan ni dating Cavite Governor Ireneo ‘Ayong’ Malicsi.

Pero wala pa itong kompirmasyon.

Mukhang naAKBAYAN ng mga ‘tambay’ sa Palasyo kaya naunsyami ang pag-upo ni ex-Gov. Ayong?

Anyway, gusto natin malaman kung ‘yan bang Risa ‘e si natalong senatoriable at dating party-list representative Rosa Hontiveros?

At ‘yan bang si Bem ay si An Waray Rep. Florencio “Bem” Noel?

Hmmmnnn …sila ba o ‘yung mga makikinabang sa kanila ang nag-text blast?

Kung si Madam Risa, ‘e ang puna lang natin d’yan, parang hindi okey. Kasi naman kahit militante siya ‘e hindi naman siya malapit sa masa.

At baka magkaroon rin ng issue dahil sa mga planong political ni Madame Risa.

Si Bem ‘An Waray’ Noel … tingin natin e kulang pa sa karanasan, baka pwedeng PCSO director muna.

Sa aking palagay, hindi man hinihingi ng Palasyo ang ating opinyon, tinitingnan natin na mas kwalipikado si PCSO Gen. Manager Atty. Jose Ferdinand “Joy” Rojas.

Hindi ba pwedeng d’yan manggaling sa mga nanunungkulang opisyal ng PCSO ngayon ang maging kapalit ni Madam Margie Juico?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *