Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Military “Counter force” sa Customs

Bukod sa mga retiradong military may mga active pa rin palang unipormadong member ng Armed Forces na kuno ay nagsisilbing “counter force” laban umano sa mga padrino mismo ng mga smuggler na politiko at mismong military at PNP offi-cers din.

Ang tanong: May maganda na bang resulta ang paggamit ng “couner force” upang durugin ang mga sindikato na sabit sa smuggling? Sa tagal na ng mga smuggler na sumisira ng ating economy, matagal silang mag-iiba basta. Although, sasabihin natin magandang gesture ito ng pamahalaan.

Pero liban sa kanilang background sa intelligence at magiging professional soldiers, malalim na ‘di hamak ang trabaho ng sindikato. May mga trick silang ginagamit upang iligaw ang mga awtoridad tulad na lamang ng paggamit ng mga peke o ghost na kompanya. Ngayon, kaya na kayang pilayan ang mga nasa reform program tulad ng paghihigpit sa pagkuha ng Accreditation para maka-import at makapag-practice ng profession bilang customs broker. Ang pag-screen ng mga applicant sa Accreditation inilipat sa BIR na idinardaing na pagkahirap- hirap dahil sa isang katutak na mga requirement na kalaban ng trade facilitation.

Dahil daw mai-nit ang awtoridad sa customs nga-yon, hayun tahimik daw muna ang mga sindikato, at kakaunti lang ang kanilang ini-import para sa client nila. Ito ay tama daw sa mga rules na pinaiiral. Can afford sila, dahil sa dami ng datung nila.

Sa loob ng six to to seven months, ang taong bayan na rin ang makapagsasabi kung epektibo ang militar hanggang ngayon ang humahawak pa rin ng lahat ng matataas na pwesto sa Bureau. Marami pa rin reklamo na rampant pa rin ang smuggling sa outports. Marahil dito sa POM at MICP tahimik, pero sa mga porbinsya?

Unang-una ang cooperation ng mga organic personnel ang kailangan makuha, nariyan din ang enough logistics tulad ng intelligence fund. Kahit pa malawak ang naging karanasan nila sa battlefield, pero ibang battlefield ito. Kung mahina-hina ang moral fiber ng isang military baka bumigay sa kaso ng mga sindikato. Kaya dapat close monitoring ang kailangan ng mga hgepe sa mga tauhan nila. Kamaka-ilan nga nag-resign ang hepe ng intelligence service dahi hindi magkasundo at ang kanyang immediate superior.

Pero ang official line ng Bureau, kailangan nang magpunta ng hepe sa Amerika purportedly to rejoin his family.

Kapapasok lang at kareretiro pa lang, e.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arnold Atadero

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …