Saturday , December 21 2024

Bookies, EZ2, Lotteng ni ‘Boy Abang’ protek-todo ng barangay official?

00 Bulabugin JSY

KAYA raw pala malakas ang loob ng isang ‘gambling lord’ sa Maynila at sandamakmak ang kanyang operational na butas ‘e dahil todo-todo ang proteksiyon sa kanya ng isang local government official.

‘Yun bang tipong protek-TODO talaga!

Kamakalawa, ipinag-utos ni Manila Police District director, Chief Supt. Rolando Asuncion ang pagsalakay sa isang butas ng bookies, EZ2 at lotteng ni ‘Boy Abang’ sa bahay mismo ng sinasabing pamangkin na pulis na isang PO2 Rolando Simbulan, nakatalaga sa NCRPO RPHAU.

Ang inutusan ni DD Asuncion ay kinilalang sina Insp. Arial del  Rosario, PO1  James Poso, PO3  Adonis Aguila at PO2 Elmer  Revita, nakatalaga sa MPD General Assignment Section.

Dakong 9:45 a.m. nitong Biyernes, sinalakay ng mga kagawad ng MPD-GAS  ang bahay ni Simbulan sa 1411-B Sevilla Extension kanto ng Concha St., sa Tondo.

Napasok ng mga pulis ang bahay ng maintainer ng illegal gambling at nahuli ang limang personnel pero nang sila ay lalabas na upang dalhin kay MPD chief ang mga inaresto, hindi na sila nakalabas ng bahay ni PO3 Simbulan dahil  ikinandado ang pintuan.

Dalawang oras pa umanong nabinbin ang mga pulis sa loob ng bahay ng ‘gambling lord’ at nakalabas lang nang atasan ni DD ang District Special Operation Unit at SWAT na buksan ang pintuan sa pamamagitan ng bolt cutter.

Mantakin ninyo kung gaano kalakas ang loob ng isang katulad ni Boy Abang.

Hindi pa ‘yan, agad nag-call a friend ang barangay official na nagbibigay ng protek-TODO kay Boy Abang  sa kanyang immediate boss na taga-City hall umano.

Pero walang nagawa dahil nga ‘UTOS NI DD.”

Ang naging solusyon na lang umano ni barangay official, nagpadala ng limang barangay tanod at ‘yun ang ipinalit-ulo sa nahuling mga personnel ni Boy Abang.

At ayon sa ating very reliable source with matching P50k daw para kay barangay official ‘yang palit ulo na ‘yan.

Tsk tsk tsk …

MPD DD Asuncion, mukhang napalusutan ka pa ni Boy Abang at ng barangay official na nagbibigay sa kanya ng protek-TODO!

Hahayaan mo na lang ba ‘yun?

GOVERNMENT EMPLOYEE NA-OFF-LOAD DAHIL WALANG PHOTO WITH HER MAYOR

MARAMING nag-react nang ilabas natin last week ang masaklap na sinapit ng isang government employee from Ifugao sa Bureau of Immigration NAIA.

Talagang sobrang nalulungkot at desmayado ang mga kababayan nating nais makarating sa ibayong dagat para ‘ika nga ay mag-change of environment, mag-unwind at magbakasyon.

Nag-impok para sa naturang biyahe at sa kabila ng pagtugon sa mga papeles o balidong dokumento na rekisitos ng Bureau of Immigration (BI) ay parang pinagtripan lang ng Immigration Officer (IO) kung papayagan kang makalabas ng bansa o hindi?

BI Comm. Fred Mison, uulitin lang po natin ang very bad experience na dinanas ni IRENE MAE CABBIGAT MAENG sa kamay nina Immigration officers (IOs) SOLEDAD at VALDEZ.

Ang 1st attempt ng departing lady government personnel ay sa NAIA T2 na minalas ma-offload dahil hiningan ng requirements gaya ng hotel accommodation, travel authority, hotel validation, BIR income tax.

And, when she returned after rebooking on May 2, offloaded na naman siya sa kabila na nag-comply na sa documentary requirements. Ang reason ng IO is due to non-compliant of requirements. Pero ‘di naman naka-specify kung ano ang kulang.

Sonabagan!!!

Sa panayam ng isang airport reporter, sinabi ng naghihinagpis na lady passenger na NAIBIGAY na naman niyang lahat ang hinihingi ng Immigration Officer.

At ang sinasabing kulang na requirement ay RETRATO nilang dalawa ng kanyang Mayor ng kanilang munisipalidad na si Mayor Ceasario Caggibat Lagawe na kanyang immediate boss bilang isang government employee.

Take note, nakapag-submit pa pala ang pobreng government employee ng picture with her Mayor, kaso nga lang, group picture with the other employees ng munisipyo.

Pero DENY pa rin sa dalawang IO!

Boom Panes!!!

Commissioner Mison, relevant ba ‘yun requirement na picture with your Mayor?

Komo ba nagtatrabaho ka sa munisipyo ay kailangan pa na may ipakikita kang retrato w/d your Mayor to justify na totoong Filipino tourist sa pupuntahang bansa?

Sana po ay ma-clarify ang isyung ito!

SSS & BIR RECORDS REQUIREMENTS NA RIN BA SA PINOY TRAVELERS?

HETO pa, isang departing lady passenger na naman ang lumapit sa airport media na na-off load rin sa kabila ng valid documents na dala at ipinakita niya sa isang Immigration officer.

Ang hinaing ng pobreng pasahero, hinihingan daw siya ng IO ng kopya ng kanyang SSS Employment Statistic Records for the past three months from the local employer.

Pati ang kanyang BIR payments for 2012 sa pinaglilingkurang kompanya.

Jusko naman!

Kailan pa na-deputized ni BIR Comm. Kim Henares ang Bureau of Immigration para magsagawa ng counter check kung ang mga pasaherong umaalis ay religiously paying their income tax?

Talagang sobrang epal na ang style na gaya nito!

Sad to say Mr. Commissioner Mison, mukhang hindi magkatugma ang ginagawa ng ilang IOs sa mga ipinahahayag ninyo sa mga interview regarding travel requirements of Filipino travelers.

Ano ba talaga ang totoo?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *