Ayon sa aking mga nakausap na BKs sa ilang OTBs at maging sa website ng mga karerista ay sobrang hirap na talagang makipagsapalaran sa karera ngayon, lalo na kung ang koneksiyon ay naghahari sa isang pista na gamit ang iba’t-ibang pangalan pero iisa lang ang may-ari na nasa likod.
Gaya na lamang nung isang beteranong klasmeyt natin na nakatabi ko sa OTB nung isang gabi. Una ay akala niya na maitutuloy ang pagpapanalo dahil nanalo sa unang takbuhan ang kabayong si Kristal’s Beauty, pero nung nabigong manalo ang kabayong sina Super Charge, Salvatore at ang ibinibidang si Sharp Cookie ay pati iyong super mega outstanding favorite na si Mr. Tatler ay tila idinamay na rin.
Sa parada pa lang ay nakaramdam na sila na alanganin na ang kanilang nakita sa normal na senyas nung hinete at maging sa hitsura ni kabayo habang hatak-hatak ng sota. Kaya kahit pa solong puro nila sa Pick-6, Pick-5 at DD ay hindi na sila tumaya pa dahil mukhang kinailangan ng alarm clock upang magising si Mr. Tatler.
Kaya ingat at alalay sa mga mapanamantalang koneksiyon sa kanilang pista.
Fred L. Magno