Saturday , November 23 2024

Pacers isinukbit ang game 1

SINANDALAN ng Indiana Pacers ang kanilang home-court advantage kaya naman naka-una sila sa Game 1, Eastern Conference Finals ng 2013-14 National Basketball Association, (NBA) kahapon.

Kumana ng 24 puntos at pitong assists si Paul George upang kaldagin ng Pacers ang two-time defending champions Miami Heat, 107-96.

‘’This is just a fun matchup,’’ wika ni forward George. ‘’It’s one that we’ve been waiting for all year.’’

Unang panalo sa playoffs ng Pacers ngayong taon at unang panalo rin nila sa Game 1 kontra Heat.

Lahat ng starting five ng Indiana ay kumana ng mahigit 10 puntos kaya marahil ay hindi nakayanan ng Heat ang humabol.

Bumira ng tig 19 points sina center Roy Hibbert at forward David West habang may 17 at 15 puntos ang inambag ng dalawang guard na sina Lance Stephenson at Goerge Hill ayon sa pagkakasunod.

Tumikada rin ang pang-anim na player ng Pacers na si C.J. Watson ng 11 puntos at apat na rebounds.

‘’There’s nothing to celebrate. It’s not like we won a championship. It’s one game,’’ ani Hill. ‘’Yes, it was good, but if we come out and lay an egg on Tuesday, this game doesn’t mean anything.’’

Si star player Dwyane Wade ang nanguna sa opensa para sa Heat matapos magtala ng 27 puntos at apat na assists habang nakakuha ito ng suporta kay four-time NBA MVP LeBron James na nagsumite ng 25 puntos, 10 rebounds at limang assists.

‘’The game’s still so fresh. It’s too hard to just say, ‘Well, we need to do this better in Game 2,’’’ sabi ni basketball superstar James. ‘’We need to evaluate our mistakes and things we did in Game 1 first before I can say what we need to bring to Game 2.’’

Sa Indiana pa rin ilalaro ang Game 2 bago lumipat sa Miami sa Game 3. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *