Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

So kapit tuko sa unahan

DALAWANG magkasunod na tabla ang sinulong ni Pinoy grandmaster Wesley So upang manatili sa unahan matapos ang round 7 ng nagaganap na 49th Capablanca Memorial 2014 sa Havana, Cuba kahapon.

Nakapagtala ng 4.5 points si So (elo 2731) papasok ng eighth round habang solo sa segundo puwesto si top seed Leinier Perez Dominguez (elo 2768) ng Cuba.

Tabla ang laro ni 20-year old So kina GMs Batista, Lazaro Bruzon (elo 2682) ng host country at Francisco Pons Vallejo (elo 2700) ng Spain sa sixth at seventh rounds ayon sa pagkakasunod.

Umabot lang sa 22 sulungan ng Reti ang laban ni So kay Bruzon bago nakipaghatian ng puntos kay Vallejo .

“ Sana hanggang last round ay mahawakan ko pa rin ‘yung puwesto ko,” wika ng estudyante ni GM Susan Polgar na si So.

Kikilatisin ni So sa susunod na round si Dominguez sa event na ipinatutupad ang double round robin.

Pagkatapos harapin si Dominguez kakalabanin ni So sa ninth at penultimate round si second seed GM Vassily Ivanchuk (elo 2753) ng Ukraine habang last round nito si GM Zoltan Almasi (elo 2693) ng Hungary.

Dalawang sunod din na tabla ang laban ni Dominguez kaya hindi rin ito nakahabol kay So.

Magkasalo sa tersero puwesto sina Bruzon at Vallejo hawak ang tig 3.5 points nasa pang-lima si Almasi bitbit ang 3 pts. habang kulelat si Ivanchuk na may 2.5 puntos pa lang.

Ni ARABELA PRINCESS DAWA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …