Saturday , November 23 2024

May panibagong misyon ang San Mig

HINDI maitatago ang katotohang pagod na ang Mixers ng San Mig Coffee. Subalit isinaisang-tabi nila ito at nagpamalas sila ng kakaibang tikas upang talunin ang powerhouse Talk N Text , 3-1 at maibulsa ang ikalawang diyamante ng Triple Crown sa 39th season ng Philippine Basketball Association (PBA).

Nakabawi ang Mixers sa masagwang simula upang talunin ang Tropang Texters sa series clinching Game four noong Huwebes sa Philsports Arena sa Pasig City .

Sa larong iyo ay naunahan ng Talk N Text ang San Mig Coffee. Nakaarangkada kaagad ng maganda ang Tropang Texters na lumamang 17-1. Buhat doon aynaghabol na lang ang mga bata ni coach Tim Cone.

Nagawa ng Mixers na makuha ang abante, 69-68 sa huling minuto ng third quarter subalt nagpakawala ng back-to-back three-point shots ang Talk N Text upang pumasok sa fourth period nang may 74-69 bentahe.

Pero nalipat na sa San Mig Coffee ang momentum.

Pinamunuan ng two-time Most Valuable Payer na si James Yap ang pagbabalik ng Mixers nang gumawa siya ng 10 puntos sa fourth quarter matapos mabokya sa unang tatlong periods. Nagdagdag ng 12 si Mark Barroca upang tuluyang maigupo ng San Mig Coffee ang Talk N Text.

“At the half, I was mad at them. I asked them if they already wanted to rest and play Game Five,” ani San Mig Coffee coach Tim Cone na nagwagi ng kanyang ika17 titulo. “I’m glad we’re able to come back. I thought they can’t do it. But hey have proven me wrong a lot of times.”

Ito ang ikatlong sunod na titulo ng Mixers na namayagpag sa Governors Cup noong nakaraang season at nagtagumpay din sa Philippine Cup.

Puwede nilang makumpleto ang Grand Slam kung maidedepensa nila ang korona sa Governors Cup na kaagad magsisimula bukas.

Kaya naman walang panahon para magdiwang ang Mixers. Walang panahon para sila magpahinga dahil sasabak na naman sila sa laban.

Bunga nito’y marami ang nangangamba na mahirap nilang makumpleto ang misyong Grand Slam.

Pero gaya nga ng sinabi ni Cone, ilang beses na ba siyang nagkamali na isiping hindi kaya ng kanyang mga bata na makumpleto ang isang misyon?

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *