ISA sa mga bulok na sistemang isinaksak sa atin ng mga Kano sa politika ang pag-upa o paggamit ng ‘SPIN DOCTORS’ para umayon ang sitwasyon sa kanilang mga ‘bulok’ na hangarin.
STAND OUT ang ganitong sistema sa ating bansa lalo na kung KORUPSIYON ang iniimbestigahan.
Kung wala nang masulingan ang ‘NAIDIIN’ sa isyu ng korupsiyon, isang gasgas na sistema ang kanilang ginagamit, impluwensiyahan ang publiko sa pamamagitan ng ‘OVERKILL’ operation.
Ang ‘OVERKILL’ operation ay para patayin ang kredebilidad ng imbestigasyon sa isang isyu na apektado ang malalaking tao sa gobyerno.
Ganito ang ginawa nila sa ‘HELLO GARCI.’
At ngayon naman sa P10-B poprk barrel scam.
Paano ginawa ang ‘OVERKILL’ operation?!
Isang eksampol d’yan ang ginagawa ngayon na paglalabas ng iba’t ibang NAPOLES LIST— na may dagdag-bawas na mambubutas ‘este’ Mambabatas sa bawat listahan.
Ang layunin umano nito ay sirain ang kredibilidad ng imbestigasyon at lansihin ang mga ahensiyang humahawak ng imbestigasyon.
Ang una nilang inopereyt, si Justice Secretary De Lima. Unti-unti nilang ‘minantsahan’ ang kredebilidad ng Justice Secretary para nga naman hindi na siya maging kapani-paniwala sa publiko.
Ikalawa ang Ombudsman sa katauhan ni dating Justice Conchita Carpio Morales at ang ikatlo ang Sandiganbayan sa pamamagitan ng pag-uugnay kay dating Justice Gregory Ong kay Janel Lim Napoles.
Sino ang mga operator na ‘yan?!
Nand’yan lang po sa tabi-tabi ‘yan at nagpapanggap na malinis na malinis at parang ikinula sa kaputian.
Anyway, huwag po kayong palalansi, ang importante po ‘yung mga proseso para makamtan ng sambayanan ang katarungan laban sa mga mandarambong.
Lalo na ‘yun tatlong topnotcher na lumamon ng kanilang pork barrel!
ERC CHAIRMAN ZENAIDA DUCUT, UUUY NARIYAN PA PALA SI MADAM?!
TALAGA naman, ang tikas ng mukha ‘este’ manindigan ni Madam Zenaida Ducut ng Energy Regulation Commission (ERC).
“I won’t abandon my people,” sabi niya.
Kaya pala hanggang ngayon ay naririyan pa rin siya kahit sandamakmak na ang kapalpakan sa sistema ng enerhiya o ‘yung pinagkukunan natin ng koryente.
Akala yata ni Chairman Zeny ‘e nariyan siya sa ERC para umupo o tsumika-tsika, beso-beso or rubbing elbows with the “powers that be.”
“E Madam, nariyan ka po para mag-isip kung paano babawasan ang burden ng sambayanan sa pagbabayad ng napakamahal na koryente.
Pero ang matindi rito kay Madame Dukot ‘este’ Ducut, hindi nawawala ang pangalan niya sa Napoles pork barrel scam.
Siya pa ang itinuturong ahente ni Janet Napoles sa mga mambabatas para makakuha ng pork barrel NILA.
Tanong nga ng mga kaBULABOG natin, saan daw kumukuha ng kapal ng mukha si Ducut at ayaw pang bumitaw sa kanyang pwesto sa ERC!?
H&K OUT, D’ PRADA IN SA AIRPORT PORTERAGE SERVICES
ILANG buwan pa lamang pumoporma ang Hire & Keeps (H&K) Porterage Services sa NAIA pero mukhang agad itong bumulusok na parang bulalakaw na tinirador mula sa kalawakan.
Nag-start ang H&K last March 01, 2013 na hawakan ang porterage sa airport, kung ‘di pa pumapalya ang memory of some of my airport Bulabog boys.
Sa impormasyong nakalap natin mula sa tanggapan ni MIAA general manager Jose Angel Honrado, ilang malapit na kaanak ang nagtatag ng service provider na nag-ala dagang dingding sa loob ng airport.
Parang pumasok sa isang pasugalan na walang pera o puhunan pero nang lumabas ay kumita pa!?
Tama ba ako, Ma’m Tetet?
Ibig sabihin ba nito ay walang kapital ang H&K kundi lakas ng loob at koneksiyon sa mga taong nasa top post ng Manila International Airport Authority (MIAA)?
So, after one year of porterage operation, mukhang magpapaalam na raw ang grupo na ang sinasabing timonero ay sina OIC Supervisor LIWANAG at LITO.
Ang balita ay magbi-bid goodbye ang H&K kung opisyal nang papalitan ng D’ Prada Manpower Agency na matagal na umanong service provider ng Philippine International Airport Terminal Corporation (PIATCO).
Kunsabagay kung naka-one year na nga naman ang H&K ay masasabing boundary na ang bright boys na nasa likod ng pagtatatag nito.
Kasama ba sa mga sinasabing founder nito ang isang MIAA official?
Kasosyo rin ba ang isang Mr. Lazatin na distant relative ng isang high ranking official ng MIAA?
Just asking lang po…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com