Friday , November 22 2024

Konsehal, dyowa timbog sa baril, droga

SWAK sa kulungan ang isang municipal councilor gayundin ang kanyang asawa makaraan salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang bahay sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ni PDEA Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina Nasser Macarangcat Buat, 40, municipal councilor, at Tarhata, 40, kapwa residente ng Sitio Marantao, Bugasan Norte, Matanog, sa lalawigan.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge, 12th Judicial Region, Regional Trial Court (RTC) Branch 13, Hon. Bansawan Ibrahim Al Haj, hinalughog ng PDEA ang bahay ng mag-asawa at narekober ang 47 sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Bukod dito, nakita rin sa bahay ng dalawa ang M16A1 Elisco rifle, M16 armalite, cal. 45 Norinco pistol, cal. 45 Armscor at iba’t ibang uri ng mga bala na pawang walang kaukulang papeles.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *