Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-insulto kay Adeogun iimbestigahan

SINIGURADO kahapon ng pamunuan ng Filoil Flying V Sports na iimbestigahan nito ang pag-iinsulto ni Paul Pamulaklakin ng Lyceum of the Philippines University kay Ola Adeogun ng San Beda College sa isang laro ng Premiere Cup noong Sabado.

Sa isang press statement, sinabi ni John de Castro, isang opisyal ng Filoil Flying V Sports, na kahit walang reklamong inihain ang kampo ng Red Lions ay hindi sasantuhin ang ginawa ni Pamulaklakin kung saan sinabihan niya si Adeogun na unggoy.

Matatandaan na nagkapikunan sina Adeogun at Pamulaklakin sa mga huling segundo ng laro kung saan tinambakan ng Red Lions ang Pirates, 80-56.

Nagtala si Adeogun ng 16 puntos at 11 rebounds sa nasabing laro.

Dating sangkot si Adeogun sa suntukang nangyari ng ilang mga manlalaro ng San Sebastian volleyball team at ang mga kakampi niya sa Red Lions sa isang laro ng NCAA volleyball noong 2011 na nagresulta ng suspensiyon laban sa lahat ng mga sangkot.     (J. Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …