Sunday , January 5 2025

Evidence depository ang kailangan Part 2

ARAW-ARAW nating nababasa sa dyaryo na may P20-milyon ha-laga ng shabu ang nakumpiska; naaresto ang isang pusher sa pagbebenta ng isang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso; o kaya naman ay P1 milyon halaga ng marijuana ang natagpuan sa bangkay ng isang lalaking pinatay.

Ngunit pagkatapos nito, wala nang naire-report tungkol sa kung ano na ang nangyari sa mga nasamsam na droga. Sinunog ba ang mga ito? Sino ang nagsunog? Itinago ba sila ng mga imbestigador? O ang malala, baka na-”recycle” na ang mga ito ng mga “enterprising” na pulis na nagbenta sa mga ito sa mga tulak na kasapakat nila.

Gawin nating halimbawa ang isang tao na inaresto sa pagbibitbit ng baril. Kinasuhan siya sa korte pero kalaunan ay ibinasura rin ang kaso dahil hindi sumisipot sa mga hearing ang pulis na may hawak sa kaso—at nag-iingat sa baril.

Ngayon, ‘saan na ang baril? Nai-turn over ba ito? Kung sasabihing nasa property custodian, ‘eto ang follow up question: Totoo ba ang accounting sa mga idinepositong ebidensiya sa depository ng bawat unit o istasyon ng pulis? O puwede nang itago ng pulis ang baril sa sarili niyang drawer o locker?

Pero ang pinakamatindi rito ay kung ang nakumpiskang baril, gaya ng kinasapitan ng nasamsam na droga, ay muling ibebenta nang ilegal. At hindi na bago ito sa atin. Madalas na na-ting naririnig ang mga kuwentong ganito.

Kapag nagpatuloy ang kalokohang ito, wala ring silbi ang “Oplan Bakal” na ipinatutupad ng mga pulis upang mapigilan ang pagkalat ng mga ilegal na baril sa bansa. Magbibigay pa ito ng oportunidad sa mga tiwali na kumita nang ekstra kapag muling naibenta ang kanilang mga nakum-piska. Ganito rin ang kalakaran sa mga nasamsam na ilegal na droga.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

TVJ Tito Vic Joey Eat Bualaga

 TVJ wagi na naman, muling kinatigan sa paggamit ng Eat Bulaga!

I-FLEXni Jun Nardo MALAKING selebrasyon ang naganap sa Eat Bulaga noong January 1, 2025. Ipinagpatuloy …

Uninvited mapapanood na international

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI pa man tapos ang showing ng pelikulang Uninvited nina …

Judy Ann Santos Juday

Judy Ann excited sa 2025, 2024 makulay maraming learnings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ITO ang exclamation point ng 2024 ko!” Ito ang caption …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *