Thursday , May 16 2024

Payroll robbery sa itinumbang bodegero

HINIHINALANG payroll robbery ang motibo sa pagpatay sa isang warehouse man nang pagbabarilin ng rider in tandem sa Gen. Romulo Street, Cubao, Quezon City, Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Lynnald “Chris” Que, 33-anyos, warehouse man sa ginagawang condominium, namatay nang dalhin sa Quirino Labor Medical Center.

Pahayag ng saksi, papasok na sa gate ng ginagawang gusali si Que lulan ng motorsiklo, nang pagbabarilin ng suspek na kaangkas sa isa pang motorsiklo at nang matumba ang target, kinuha ng bumaril ang backpack ng biktima.

Nabatid na araw ng sweldo ng mga construction worker sa ginagawang gusali pero hindi pa makompirma kung si Que ang nautusang mag-withdraw ng pera na pansuweldo lalo’t pinag-kakatiwalaan siya ng ilang opisyal sa maraming bagay kabilang na ang pera.

Bagama’t kinompirma ng mga katrabaho niyang nawawala ang back pack ng biktima, hindi pa matiyak kung naglalaman iyon ng ipapasweldong pera.

Samantala, napag-alamang may closed circuit television (CCTV) camera sa harap at gilid ng pinangyarihan ng krimen pero ayon sa safety engineer ng ginagawang condo, hindi gumagana ang mga CCTV.

Narekober ng mga awtoridad ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45 baril sa lugar. Ina-alam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

About hataw tabloid

Check Also

PHil pinas China

Higpit sa visa vs Chinese tourist ‘di dahil sa WPS tension – DFA

MARIING itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang patuloy na tensiyon sa West …

Department of Tourism DOT

DOT namahagi ng P25-M libreng insurance coverage sa 50 tourist guides sa CL

IPINAMAHAGI ng Department of Tourism (DOT) ang nasa P25 milyong halaga ng libreng insurance coverage …

Navotas greenhouse facility

Navotas greenhouse facility pinasinayaan

MAGKAKAROON na ngayon ang mga Navoteño ng karagdagang pagkukuhaan ng sariwa at organikong ani ng …

Malabon Police PNP NPD

Miyembro ng ‘Rosales’ criminal gang, arestado sa baril

INARESTO ang sinabing isang miyembro ng criminal gang matapos inguso sa mga pulis na may …

human traffic arrest

12 babaeng biktima ng human trafficking nailigtas ng QCPD

NAILIGTAS ng Quezon City Police ng 12 biktima ng human trafficking habang nadakip ang dalawang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *