Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Multiple treat ng APSDCI sa Mayo 11

Ang mga dog lovers sa Metropolis ay mabibigyan ng multiple treat sa pagtatanghal ng Asia Pacific Sporting Dog Club Inc. (APSDCI), isang affiliate ng Asian Kennel Club Union of the Philippines Inc. (AKCUPI) sa ika-5 at ika-6 na  International All-Breed Dog Shows sa Linggo, Mayo 11 sa Tiendesitas sa Ortigas Ave., Pasig City.

Bilang pambungad bago ang dog show proper sa ala-1:30 N.H., ang APSDCI ay naglatag ng mga sumusunod na kaganapan: (9:00 N.U.) – Audio-visual presentation tungkol sa Animal Rescue at Adoption at  Mga Pagmamalupit sa Hayop ng  Animal Kingdom Foundation ; at storytelling “The Adventures of Bert” tungkol sa isang batang kinamumuhian ang aso; (10:00 N.U.) –on the spot “My Dog’s Got Talent” competition (amateur at professional category); dog games para sa owners at kanilang mga aso;  at (1:00 N.H.) – Dog-Friendly Fashion – Ethnic Inspired.  Ang sidelights  ay buong maghapong exhibit ng dog paintings ni Mary Rose Domingo at grupo ng artists at animal photography ni Joy Barcelona at on-the-spot T-shirt printing contest sa tema ng aso sa umaga.

Ang dog shows ay huhusgahan ng dalawang homegrown  judges ng AKCUPI, sina Fe Lanny Alegado at Jester Jo Ongchuan na may kanya-kanya set ng winners para sa mga kategoryang best baby puppy, best Philippine-born at best in show mula sa pitong breed groupings-  toy, sporting, hound, terrier, non-sporting, working at herding.

Si Alegado ay nagbi-breed, nagsasanay at nag-eexhibit at kinakampanya ang ilang breed ng aso hanggang makamtan ang  Philippine championships at grand championships, lalung lalo na ang Jack Russels at German Shepherd dogs.

Bilang pagkilala ng kanyang matapang at progresibong commitment sa canine world, nahalal siya bilang Director ng Philippine Canine Club, Inc. At naging Kailihim ng German Shepherd Dog Federation. Si Ong Chuan na nakapaghusga na sa international dog shows sa  China, South Korea, Myanmar, Malaysia at Hong Kong, ay pinamumunuan ang American Cocker Spaniel Club of the Philippines (ACSCP) at Metropolitan Manila Kennel Club Inc., kapwa AKCUPI affiliates.

Ang dog show ay  inoorganisa ng APSDCI na kinabibilangan nina Rosa Sy, chairman, Nancy Sia, president, Dinky Ang, vice-president, Jeanie Mendoza, treasurer, at Patricia Carrascoso, Event Committee Head, sa pakikipagtulungan ng Labrador Retrievers Owners Club at ni Willa Tecson ng Pets for Peace.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …