Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Snatcher patay sa bugbog ng bayan

PATAY ang 44-anyos snatcher nang bugbugin ng taong bayan sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Alfredo Simbulan, ng 931 St. Mary St., Tondo, namatay habang inooperhan sa ospital dahil sa traumatic brain injury.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon  San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente sa C.M Recto Ave., kanto ng Maya St., dakong 6:00 p.m. Sa ulat, naglalakad ang biktimang si Edwin Arrogante, sekyu,  nang hablutin ni Simbulan ang kanyang hawak na cellphone.

Agad nakahingi ng tulong si Arrogante sa mga tao sa lugar na agad hinabol si Simbulan at nang abutan ay pinagtulungang bugbugin. Nagresponde si PO1 Christopher Tarada ng Juan Luna PCP 1 kaya’t naibalik ang cellphone ng sekyu habang isinugod sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na binawian ng buhay habang inooperhan.

(BHENHOR TECSON, NIKKI-ANN CABALQUINTO, ANTONIO C. MAAGHOP, JR.)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …