Sunday , November 24 2024

Dalawang QCPD kotong cops timbog kay Sindac

00 Bulabugin JSY

‘YAN na nga ba ang sinasabi natin … hinay-hinay lang mga COPS na gustong magdelihensiya lalo na kung nasa area kayo ng mga taong alam nila kung ano ang kanilang mga karapatan.

Kung may ginawa talagang paglabag sa batas, dalhin sa presinto at sampahan ng kaso. ‘E kaso umaare-areglo pa, ‘yan mismong si PNP Spokesperson Chief Supt. Theodore Ruben Sindac pa mismo ang nakatimbog sa inyo.

Sa halagang P4,000 ay na-swak sa extortion at mukhang masisibak pa ang mga pulis na sina PO1 Roland Mansibang at PO1 Ronaldo Englis, kapwa naka-deploy sa QCPD Galas police station.

By the way, noon pa ay marami na tayong natatanggap na reklamo gaya ng pangongotong at hulidap sa ilang pulis sa QCPD-Galas station. Pakitutukan mong mabuti Gen. Richard Albano, ang estasyon na ‘yan at baka sumabit ka pa d’yan.

Nitong nakaraang Martes ng gabi, ang 22-anyos na si Rodolfo Eduardo Santiago kasama ang kanyang girlfriend ay naka-park sa 8th Street sa New Manila, Quezon City.

Nilapitan sila ng dalawang pulis na sina Mansibang at Englis, kinatok ang bintana at tinutukan ng ilaw ng flashflight sa bintana.

Pinalalabas si Santiago sa kanyang sasakyan at hiningi ang kanyang lisensiya.

Saka sinabihan si Santiago na sasampahan sila ng kaso ng kanyang kasamang babae ng public scandal at magmumulta ng P20,000.

Ayon kay Santiago, tinanong niya si Mansibang bakit sila magmumulta ng P20,000. Sinabi umano ni Mansibang na kung ayaw nilang maeskandalo at makarating sa media ang pangyayari ‘e kailangan nilang maglabas ng P20,000.

Agad sinabi ng biktima na wala siyang ganoon kalaking halaga, kaya tinanong sa kanya kung magkano ang nasa wallet niya. Sinabi niya P4,000 pero inutusan daw siya mag-withdraw pa sa ATM.

Sa pagkakataong iyon, tinawagan na ni Santiago si Gen. Sindac, na nagkataong tatay ng kanyang kaklase noong college.

Nang sinabi ni Santiago kay Mansibang na kausap niya si Gen. Sindac, inakala ng pulis na bina-bluff lang siya ng biktima kaya inutusan na nila na magpunta sa Greenhills Town Center sa Granada St., Barangay Valencia , doon sila sinalubong ng iba pang pulis.

Sa pagkakataong iyon, dumating ang kanyang pamilya kasama si Gen. Sindac.

Matapos kausapin sina Mansibang at Englis, agad iniutos ni Sindac sa dalawa at sa iba pang pulis na agad silang mag-report sa QCPD-CIDU.

Inutusan din niya si Albano na imbestigahan ang insidente para tuluyang sibakin ang dalawang pulis dahil sa kanilang tangkang pangingikil.

‘Yun na! Swak na!

Kudos Gen. Theodore Sindac!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *